DEDICATED PALA NI Piolo Pascual ang kanyang kantang Can’t Take My Eyes Off You kay KC Concepcion.
“Kasi, na-mesmerize na ako sa kagandahan niya, you know. She grew up right before my eyes, isang malaking karangalan na makilala ko siya on her 18th birthday, kumanta ako sa birthday niya. tapos, she left for Paris then umuwi siya. Isa ‘yun sa ipinangako sa akin ng ABS na makasama ko siya sa trabaho rito nga sa Lovers in Paris, hanggang sa nagkasama kami. There were times na napapatingin lang ako sa kanya, napakagandang babae. So, puwede kong kantahin sa kanya ang Can’t Take My Eyes Off You,” banggit ng binata.
Ngayon tapos na ang Lovers in Paris, maging vocal pa kaya si Piolo sa tunay niyang saloobin sa singer/ actress? “Hindi ko alam. Hindi pa nga kami nakapag-uusap ni KC. Mag-uusap muna kami. If there is anything or something, sa amin na lang ni KC ‘yun. Just what I’ve said, we just keep it to ourselves because pareho kaming exposed sa kamera. Bottomline naman, we just want to protect our friendship, relationship whatever we have,” pagdidiin ni PJ.
Bakit hanggang ngayon wala pa ring girlfriend si Piolo kahit may KC na abot-kamay lang niya? “ Ilang years na akong single, eight years na, ‘di ba? At this point in my life, gusto ko ‘pag nag-asawa ako, ‘yung siguradung-sigurado na ako. Wala na akong kahati sa trabaho, hindi ko na pipilitin na mag-find ng time to spend with her. Kasi sa ngayon masyado akong busy sa trabaho, ilang taon na rin naman akong kayod-marino, parang kabayo magtrabaho. Kapag dumating ‘yung point na ‘yun, it’s gonna be perfect.
“Gusto kong i-save ‘yung ilang years, ‘yun remaining sa industriyang ito. At kung dumating ‘yung time na ready na kaming pareho, I’m sure naman na sakto lang ‘yun. Hindi pa naman ako ganoon katanda para hindi makapag-asawa. Sabi ko nga, kapag 35 na ako, three years from now, I hope hindi naman ako umabot ng kuwarenta, wala pa ring asawa, darating at darating tayo d’yan. May inspirasyon ako pero ‘yung pagbibigay ng oras, quality time ‘yun and hindi ko maibigay because ‘yung oras na ‘yun ay pinapahinga ko.
“Mismo ako sa sarili ko wala akong oras, hindi biro ang pumasok sa isang relationship. Hindi biro ang mag-commit but may inspirasyon ako, ‘yun nga lang, hindi ko fully maibigay. Sa sarili ko lang, hindi ko maibigay ‘yung oras ko, what more sa isang tao,” dugtong pa niya.
If ever na magkapamilya si PJ, hihinto na kaya siya sa pag-aartista ? “’Pag nag-settle down ako, mas bibigyan ko ng priority ang pamilya ko. If there still a project na darating… yes, definitely! I’ll like to be in the business as long as I can. Ito ‘yung mahal ko, mahal ko ang pag-arte, mahal ko ang pagkanta, mahal ko ang magpasaya ng tao. Pero ‘pag dumating ‘yung point na mag-aasawa ako, mag-i-start ng family, ‘yun ang magiging top priority ko.”
Balitang si Piolo ang gaganap na Ninoy Aquino, bakit sa MMK lang? “Yes, it’s an MMK episode, taping na kami next week ni Direk Jefrey Jeturian. Binabasa kong maigi ‘yung script, may mga research material and DVD ng buhay nila na galing sa ABS mismo. Humingi ako ng karagdagang info para mas lalo kong makilala si Ninoy at ‘yung love story ng mag-asawa. Kung mayroon mang pelikula, hindi pa dumarating ‘yung offer, du’n muna ako sa MMK. It’s a challenge, gusto muna nilang makita, it’s an opportunity for me to portray somebody na alam naman nating lahat na hero of our generation,” pahayag ng actor.
Inamin ni PJ na si Judy Ann Santos ay naging malaking bahagi sa buhay niya na para bang ang hirap abutin. “Isang tao lang ‘yan na pinagkakautangan ko ng loob pero huwag na nating palakihin, si Judy Ann po, siya naman ‘yung nakasama ko nang matagal. Siya ‘yung tao na puwede kong balikan sa past ko, hindi ko malayuan, hindi ko malapitan. Kasi, may-asawa na siya, may conflict. Baka sabihin ng tao… ang daming judgment, iwas-intriga. Nagkaroon kami ng conflict before so, mas mabuti na itong ganito, magkakaibigan kami, wala na kaming problema ni Ryan, wala na rin kaming problema ni Judai. Ganu’n na lang, just leave it like that,” turan pa ni Papa P.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield