Piolo Pascual, marami pa rin ang nagmamahal!

HINDI TUMATANDA ang mukha ni Piolo Pascual. Pinanonood namin siya kahapon while singing “Ikaw”,  ang ganda-ganda ng mukha niya sa kanyang birthday presentation.

At grabe ‘yung mga nagmamahal sa kanya. Umabot ang bilang ng cakes sa 160, ‘yung ipinakita sa ASAP 18. Grabe, kung nandu’n ako, inuwi ko man lang kahit lima para sa amin ‘yung isa at ‘yung apat, ipaghahati-hati namin sa mga tricyle driver sa me Il Terrazo Arcade sa Morato.

Aba, malaking bagay na sa kanila na makakain ng cake ni Papapi, ‘no?

Anyway, mahal na mahal ko ‘yang taong ‘yan, dahil grabe ang pagka-generous, lalo na sa mga nangangailangan.

Ilambeses na naming napatunayan ‘yan ‘pag humihingi kami ng tulong sa kanya para sa mga breast cancer patients na itinataguyod ng Kasuso Foundation sa East Avenue Medical Center pati na ang ChildHaus Foundation.

Pati si Joseph Bitangcol na nag-50-50 ang buhay ay inihingi rin namin ng tulong kay Papapi at hindi kami nagdalawang-salita, kaya very thankful sa kanya si Joseph.

Good health at bonggang takbo pa ng career ang sumaiyo, Papapi!

Mahal kita, meron at walang malisya. Hahahaha!

TINGNAN N’YO naman ‘yan, ha? Kapatid ng Presidente na dapat ay mga simple na lang ang ginagawa, pero wa siya care. Work to death pa rin siya.

Merong teleser-yeng Kailangan Ko’y Ikaw na malapit nang mapanood. Meron pang daily talk show na Kris TV, me mga product endorsement pa, and yet, hindi rason ‘yon para mawalan siya ng oras para sa kanyang dalawang anak.

Super Girl nga itong si Kris Aquino. Hahaha!  Juice ko, sa’n ba nanggagaling ang kanyang adrenalin? And kung tutuusin mo, madalas pang magkasakit ‘yan, ha?

Ang nakakatuwa naman dito kay Kris, kahit andami-dami nang pera ay mabilis din siyang magbitaw sa mga nangangailangan o kapag nahihiritan. Kaya magaan din ang pasok ng blessings sa kanya.

Ang sabi ng isang kausap ko, “horror” daw ba ang Kai-langan Ko’y Ikaw dahil sobrang effective daw si Kris ‘pag horror. Sabi namin, kaya nga gumawa ng teleserye si Kris, to prove na hindi lang siya pang-horror.

Pang-emote din ang kanyang arrive. Aba’y isipin lang niya ang malulungkot na bahagi ng kanyang buhay, ang bilis na niyang magpatulo ng luha, eh.

Kaya andami nang naghihintay ng kanyang pagbabalik sa Primetime Bida.

BUKOD KAY Kris Aquino, kasama rin sina Robin Padilla at Anne Curtis sa Kailangan Ko’y Ikaw.  

And speaking of Anne Curtis, siya na yata ang babaeng walang pinipiling anggulo. Me make-up man o wala, ang ganda pa rin. Lipstick nga lang, pasok na sa banga, eh.

At kahit sa pagbibihis, kahit ano’ng klaseng damit ang isuot, nagiging sosyal. Kahit bihisan mo ng basurang damit, baka hanapin ng mga fans sa ukay-ukay ‘yon at bilhin nang mahal dahil si Anne ang nagsuot.

Ilambeses na namin siyang natitiyempuhan ‘pag magsi-Showtime ‘yang si Anne, kahit halata mong late siya at hindi na nakapag-ayos, gano’n pa rin kaganda at ka-elegante ang dating. Lipstick lang, ayos na ang buto-buto.

Me mga artista nga, hindi aalis ng bahay nang hindi naka-makeup, eh. Katuwiran nila, nasanay na sila, pero ang totoo, ayaw nilang makarinig ng nega comment kapag nakita silang walang make-up.

Kami nga, ‘pag lumalabas, hindi kami nagme-makeup, eh.

Charot!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleSexy and Fitted
Next articleKim Chiu at Xian Lim, sila na ba?

No posts to display