SIPAT: INAMIN na ni JAKE CUENCA na MUNTIK na silang MAGSUNTUKAN ni JASON ABALOS.
EKLAT: a] dahil sa isang GIRL?; B] dahil sa isang GURL?
SIPAT: MABUTI na lang NANDOON si COCO MARTIN para UMAWAT…
EKLAT: …kaya pala ang TAPANG-TAPANG ni JAKE!
SIPAT: INAMIN na rin ni JAKE na ‘A YEAR and NINE MONTHS’ na silang nagde-DATE ni MELISSA RICKS.
EKLAT: Naku, UMUWI na kayo. HINAHANAP na kayo ng mga MAGULANG n’yo!
SIPAT: IWAS na IWAS si DENISE LAUREL sa TSIKANG BUNTIS siya.
EKLAT: HINTAYIN na lang BUMUKOL!
SIPAT: ‘HINDI raw siya ang AMA,’ tanggi naman ni RAFAEL ROSELL.
EKLAT: HINTAYIN na lang ILUWAL!
SIPAT: NAGKABATI na sina SHARON CUNETA at AGA MUHLACH.
EKLAT: One word: SHOWBIZ.
SIPAT: WALA namang PROBLEMA sa DALAWA. PINALAKI lang ng mga INTRIGERA.
EKLAT: Two words: VERY SHOWBIZ!
SIPAT: HINDI raw muna GAGAWA ng TELESERYE si SARAH GERONIMO.
EKLAT: ‘HIRAP na MAGKASUNOD ang… FLOP?
SIPAT: Uy, GAGAWA kasi sina SARAH at GERALD ANDERSON ng MOVIE.
EKLAT: …na HINDI magpa-FLOP. Pramis!
SIPAT: ‘NILILIGAWAN’ ng TV5 si PIOLO PASCUAL?
EKLAT: MAGPAKIPOT ka, PAPA P!
SIPAT: MALABONG LAYASAN ni PIOLO ang KAPAMILYA.
EKLAT: As of this writing…
SIPAT: NAGHAHANAP daw ng GIRLFRIEND ngayon si CHRISTIAN BAUTISTA.
EKLAT: FOR A CHANGE… of HIS SINGLE LIFESTYLE.
SIPAT: HINDI naman MAHIHIRAPAN MAKAHANAP si CHRISTIAN.
EKLAT: Kung ‘MAGANDA’ ang TIPO niya…
Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service