Gusto ko ang mga campaign na iniendorso ni Piolo Pascual.
Ang alam ko, si Papa P ang isa sa mga showbiz celebrities natin sa kasalukuyan na ang kanyang kalusagan ay first and foremost priority niya.
Sa social media postings niya, kung hindi mo siya nakikita na nagba-bike as his physical exercise, and running (ang tawag ko sa ganu’n ay jogging), asahan mong aktibo ang aktor sa iba’t ibng form of exercise at ganitong mga gawain.
Sa kabisihan niya sa iba’t ibang form ng trabaho, si Papa P ay may panahon pa para mag-exercise to maintain his healthy at buffy physique.
Going to the gym, jogging, biking, at kung anu-ano pa ang ginagawa ng aktor making him physically fit para iwas sa kung anumang karamdaman.
Sino ba ng may ayaw ng sexy body ni Papa P. Ang mga abs niya at muscles ay tama lang na ibalandra niya in public as inspiration para sa iba na nangangarap na magkaroon ng pangangatawan tulad ng sa kanya.
Ang alam ko, less carbs yata ang food intake niya Papa P. na sa mga pasaway na tulad ko, nang magsimula ang diabetes ko, napag-alaman kong ang sobrang carbohydrates (lalo na ang rice) ay nata-transform into sugar na dahilan para maging diabetic ka kapag naka-stock lang sa katawan natin at wala tayong effort na mag-exercise para magpawis, na isa sa mga sinasabi ng mga endocrinologist na dapat mag-exercise ang may mga diabetes para bumabab ang blood sugar ng mga biktima at nagpapabiktima sa diabetes.
Maganda ang advocacy ni Papa P at ang iniendorso niyang Sun Life Financial, dahil kung tama ang bilang ko, pang-8 year na itong Sunpiology Run ng aktor, na this time ay naka-focus naman sila sa isyu ng diabetes.
Sa totoo lang, based on reviews sa mga nakaraang Sunpiology events, nagiging successful ito sa tulong ng fans ng aktor na sumasali sa event.
With an event title na “Sugar Wars”, it is a race against diabete,s kung saan ang Pilipinas ay idineklara as a diabetic hotspot.
Kung wala lang ako knee injury, bongga sana na makasama ako sa 8th Sunpiology Run: Sugar Wars, dahil bukod sa isang fun run ito with Papa P and other Star Magic celebrities, may information dissemination din ang event para maiwasan ang diabetes at kung anu-anong mga pagbabalita at update para sa mga diabetic na tulad ko, na ang naturang event ay mas lalo akong mae- educated kung papaano ko ma-maintain or maabot ang low blood sugar ko para hindi na lumala ang sakit ko na tila sanhi ng masamang lifestyle ko noon.
Reyted K
By RK VillaCorta