HINDI MAKAPANIWALA SI Piolo Pascual sa launching ng kanyang coffeetable book Piolo Pascual Revealed na ginanap kamakailan sa Bonifacio High Street, The Fort, Global City nang sorpresang magpa-autograph sa kanya ang mismong Chairman ng ABS-CBN na si Boss Gabby Lopez kasama ang ABS-CBN President na si Ma’am Charo Santos-Concio.
“I was really overwhelmed and speechless. Isang malaking karangalan para sa akin na magpa-autograph sila. And to think sila ang nagbigay ng break sa akin and I would not be able to achieve this journey kundi dahil sa tulong at
suporta nila,” reaksiyon ng premier talent ng Star Magic.
Ang Piolo Pascual Revealed ay isang collection ng lahat ng mga naggagandahang litrato at pictorial ni Papapi sa loob ng 12 taon na kuha ng premyadong photographer na si Raymond Isaac. Makikita rito ang mga photos ng actor noong siya ay nagsisimula pa lang hanggang sa maging ganap na respetadong aktor.
Dumalo rin sa nasabing event sina Ms. Cory Vidanes, Mr. Johnny Manahan, Dra. Vicki Belo, Gretchen Barretto, Ms. Joan Maglipon, Papa Ogie Diaz, Chrystalle Henares at mga executives ng mga company at product sponsors na personal na pinasalamatan ni Piolo. Mabibili ang Piolo Pascual Revealed sa lahat ng Fully Booked outlets nationwide.
ALFRED VARGAS, KAPAMILYA NA!
Nagbabalik ulit ang hunk actor-turned-politician na si Alfred Vargas. Ito ay matapos tanggapin ng aktor ang alok ng Dos bilang isa sa mga bida ng Mutya, isang bagong primetime fantaserye tungkol sa isang batang sirena at iba’t ibang
nilalang sa kaharian ng karagatan.
“Katatapos lang ng contract ko sa GMA at tamang-tama naman at may magandang offer sa akin ang Dos, kung saan isa ako sa mga bida. Im very thankful to ABS-CBN for giving me this break dahil na-miss ko rin ang TV,” bulalas ng aktor.
Idinagdag pa ni Alfred na hindi makahahadlang sa kanyang trabaho bilang konsehal ang muling pag-arte muli.
“I don’t think it will affect my performance dahil lahat naman pinaghahandaan ko, at siyempre I need to work para kumita rin, ‘di ba?”
Isa ang Mutya sa mga fantaseryeng ipalalabas sa 2011 bilang opening salvo ng Dos. Kasama rito ni Alfred sina Lara Quigaman, Ogie Diaz, Malou Crisologo, Niña Jose, Sandy Andolong at marami pang ibang magagaling na talents.
X’MAS PARTY FOR THE PRESS NG DOS, BONGGA!
Naging maningning sa mga kapatid naming miyembro ng entertainment press ang idaos na taunang Christmas party ng ABS-CBN last Dec. 3, Friday, sa Dolphy Theater. Talaga namang pinasaya ang movie press dahil sa naglalakihang prizes na electronically raffled para tiyak na katanggap-tanggap at wala nang question pa.
Nagbigay rin ng inspiring messages sina Ma’am Charo Santos at Channel Head Ms. Cory Vidanes at ng song number ang balladeer na Marco Sison.
Lalong naging maningning ang gabi nang ipakita ng iba’t ibang grupo ng reporters and editors ang kanilang mga kakaibang talent sa pa-contest ng Network.
Bumulaga rin sa lahat ang dance number ni Corporate Communications Head Mr. Bong Osorio kasama ang iba pang staff nito na napakagaling palang sumayaw.
At siyempre nakadagdag pa sa halakhakan ng mga dumalo ang mga comic hosting nina Ogie Diaz at MJ Felipe. P50K ang naging grand prize, pero biniyak sa sampu para marami ang mabiyayaan. Bongga ang ideyang ‘biyakan’, ‘di ba?
Parazzing Gala
By Sherween Eslava