KAWAWA NAMAN SI Piolo Pascual. Parang minasama ng iba ‘yung sinabi nitong “‘Wag naman. Bata pa ang anak ko!” nu’ng i-link si Iñigo kay Kiray. Naging magkaibigan na kasi ang dalawa mula nang dumating ang bagets mula sa US.
Pinalalabas pa ng iba na parang hindi kaibig-ibig itong si Kiray at hindi nababagay sa guwapong anak ni Papapi.
Kawawa tuloy si Papapi, dahil mini-misinterpret ng iba ‘yung kanyang ibig sabihin na, “‘Wag n’yo munang bigyan ng lovelife ang anak ko, dahil bata pa siya at gusto kong pag-aaral muna ang asikasuhin niya.”
‘Yun lang ‘yon.
At wala siyang ibig sabihin na “nilalait” niya ang itsura ni Kiray.
SI KIRAY PA na nang magsabog ng “confidence” si Lord, siya lahat ang nakasalo. Ganyan ang dating sa amin ni Kiray. Aware si Kiray na ‘yung iba’y napi-feeling-an sa kanya. Feeling niya, maganda siya.
Na parang hindi raw yata aware si Kiray na hindi siya kagandahan kaya ‘wag umastang maganda. Pero hindi naman para panghinaan ng loob si Kiray, eh. Diyan nga kami bilib sa batang ‘yan, eh.
Aminado siyang masang-masa ang itsura niya, pero hindi para masiraan siya ng loob kung makakarinig siya na hindi siya kagandahan. Ang importante roon at dapat manahin ng iba sa kanya ay ‘yung pagkakaroon ng “feeling ganda-ganda-han.”
In short, sasaluduhan mo ang bata sa pagkakaroon ng confidence.
Kaya look at Kiray now, maingay ang kanyang pangalan. Hindi siya ‘yung tipo ng bata na ‘pag tinukso, magdadamdam, magkukulong sa kuwarto. Mas pinatutunayan pa niyang maganda siya at talented siya.
And that’s the spirit.
MERONG ISANG NILALANG na dahil wala nang maibatong isyu ay laging inuukilkil ang pagkatalo namin sa eleksiyon. Lagi niyang sinasabi na hindi kasi kami totoo sa sarili at plastik kami, kaya hindi kami nanalo o hindi man lang nakapuwesto.
Gano’n daw talaga ‘pag “bad” ka, hindi ka mananalo.
Hindi namin sinasabing ang “bobo Mo,” pero parang ‘yun ang lumalabas. Ang bobo mo at hindi ka talaga nag-iisip. Kung “bad” kami, eh ‘di bad na rin si Manny Villar na natalong presidente (na ikinampanya pa ng co-host mo) at ‘yung iba pang natalo?
So ‘yung mga kandidatong nanalo na kaya nanalo ay dahil nandaya at bumili ng boto, ano bale tawag mo sa kanila? Good persons ba sila?
Kahit ikaw na bobo, meron ka ring minamanok, pero kung natalo, ‘di ba ipagtatanggol mo at sasabihin mong “mali ng ibinoto ang mga tao”?
Isa ka na ngang “kapirasong tao,” pati ba naman utak, kapiraso pa rin? Ano ‘yon? Dadaanin mo na lang ang mga tao sa kaprangkahan at pa-Ingles-Ingles mo, dahil du’n ka tinangkilik?
So, kung inaangat mo ang sarili mo at sinasabi mong intelihente ka, ba’t hindi mo ginamit sa pag-a-analyze? Utak ang kailangan sa analysis, hindi dila, darling.
Gusto mong papaniwalain kami ngayon na hindi lahat ng Inglisero ay matatalino, gano’n ba? At hindi lahat ng Inglisero, diretsong mag-Ingles? Na me mga Inglisero rin na bulol at nagbabakel din, gano’n ba?
Pakinggan n’yong maigi si Mr. Scientist kung hindi kami nagsasabi nang totoo. Siya ang buhay na halimbawa ng isang latang walang laman, pakinggan mo, maingay lang.
‘Yan din ang sabi sa amin ng isang co-host Mo.
Oh My G!
by Ogie Diaz