SA WAKAS ay mapanonood na ng publiko ang Silong (Shelter) na unang pelikulang pinagsasamahan nina Piolo Pascual at Rhian Ramos, sa direksiyon (for the first time) ng dating singer na si Jeffrey Hidalgo at Roy Sevilla Ho. And take note, closing film ng Cinemalaya 2015 ang nasabing pelikula.
Kung si Nora Aunor nga ang magbubukas ng Cinemalaya, ang pioneer indie film festival ng bansa (dahil ang Taklub ni Nora ang opening film sa August 7 sa CCP Main Theater), si Piolo Pascual naman ang magsasara. Ang bilis nga ng pagbenta ng tickets ng Silong, kahit na sa August 14, Friday, 9:00 PM pa ito sa same venue, ang historical CCP Main Theater.
Hindi na bago si Piolo sa Cinemalaya dahil years back ay naging opening film din ang kanyang Maynila, directed by Adolfo Alix, Jr. Sana lang, after ng Cinemalaya ay magkaroon din ng commercial run ang nasabing romantic thriller movie na isa rin si Piolo sa executive producers.
Deserve ng more fans ng aktor ang makapanood ng pelikula sa commercial theaters, at hindi lamang as Cinemalaya closing film. After all, two years na itong in the can. At sana nga’y i-release din ito ng Star Cinema.
Para sa tickets ng Silong, you can avail from CCP box office and Ticketworld outlets.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro