AKALA MO…’YUN PALA…: Nakita ang abugado ni Dra. Victoria Belo na si Atty. Adel Tamano sa pagtitipon ng Team Villar. At sinabi niyang nasa Amerika ang kanyang kliyente at nagpaalam naman daw ito sa DOJ dahil may mga bagay na kailangang ayusin doon. Ang buong akala nga namin, gaya ng mga naunang nabalita, makakasama si Atty. Adel sa Celebrity Duets at inamin naman nito na mayroong offer sa kanya before, pero hindi na ng natuloy.
Kinumusta namin sa kanya ang kaso sa pagitan ng kanyang kliyente at ni Katrina Halili. At sabi nga niya, tuloy pa rin ito at naghihintay lang sila sa magiging desisyon ng Korte.
Kaya kung pansamantala mang kalimutan muna saglit ng dating Kundirana member at naging artista rin sa dalawang pelikula (isa with Senator Jinggoy Estrada at isa naman with Iza Calzado) at saka na lang daw niya ito babalikan at mas may mahahalaga pa siyang mga bagay na dapat unahin sa ngayon.
Kuwento pa ni Atty. Adel, ang biro nga raw sa kanya ni Jinggoy noon, crush na crush siya ni direk Joey Reyes kaya nasama siya sa pelikula nito. At sa One True Love naman, eh dahil sa family friend naman nila si Annette Gozon.
Tinanong nga namin ito kung hindi ba siya mahahalina sa mga babae sa showbiz-gayung isa siyang Muslim-na allowed mag-asawa ng higit sa isa. At ngayon eh, nababalita pang siya ng ipinalit ni Dra. Victoria sa dati nitong karelasyon na si Hayden Kho.
“I’m a practicing Muslim. Pero am happily married na for 11 years at wala akong plano’ng palitan ang misis ko. Hindi naman ako magiging ipokrito, Dra. Vicky is malambing, smart and wonderful. Kaso nga lang, hindi na ako available. At mananatili akong kaibigan at abugado niya.”
WA KIYEMS?: NAGSUSUNGIT din naman pala ang aktor na si Piolo Pascual. At ayon ito sa kuwento ng partner niya sa Spring Films at direktor ng pino-prodyus nilang Kimmy Dora na si Bb. Joyce Bernal.
Ilang beses daw na pinaiyak ni Piolo ang kanyang direktor dahil sa deretsahang pagsasabi nito sa mga hindi niya nagugustuhan sa mga nakukunang eksena sa launching movie ni Eugene Domingo.
Marami-rami rin daw silang pinagtalunan. At hindi naman alintana ni Piolo kahit na may mga ulitin silang mga eksena at palitan ang mga hindi niya nagustuhan.
“Nakaka-tense. Pero dahil producer din naman ako, nagagawa naman naming pakinggan ang punto ng bawat isa (apat sila rito-ang dalawa pe eh, ang cinematographer nilang si Shane Sarte at ang manager na si Erickson Raymundo). ‘Yun nga lang, may days na hindi kami nag-uusap. Pero dahil magaling lumambing, ‘pag nakita ko na ‘yung abs niya, wala na. Siyempre, kailangang maging propesyunal lang sa lahat ng aspeto.”
Pantay-pantay din daw ang hatian nila sa gastos. At pare-pareho rin silang ninerbiyos nu’ng unang mabalitang baka hindi rin maipalabas sa mga SM Cinemas ang kanilang pelikula.
“Okay na naman. Iba na ang magdi-distribute (Solar Films) although susuportahan pa rin kami ng Star Cinema in some other ways. ‘Yun nga lang, hindi puwedeng lumabas si Piolo sa pelikula namin. Sumingit lang ‘ata siya kaya kung manonood kayo, ‘wag kayong kukurap dahil isang iglap lang ‘yon.”
The Pillar
by Pilar Mateo