HALATANG kinakabahan si Piolo Pascual nang humarap siya sa entertainment press nitong Huwebes, Sept. 22, 2022 para sa contract signing at mediacon ng bago niyang endorsement para sa Beautederm Corporation ni Rhea Tan. Si Piolo ang napili ng Bautederm para maging ambassador ng Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste na isang local brand pero sa Japan mina-manufacture.
“It’s actually been a while I’ve had a presscon since the pandemic so this is the first time,” bungad na pagbati ni Piolo sa showbiz press.
Kaagad ding pinasalamatan ni Piolo ang CEO at president ng Beautederm sa pag-organisa ng nasabing presscon. Na-miss na raw niya kasi ang ganitong klaseng event na isang paraan niya to reconnect with his friends from the media.
During the said presscon ay ibinahagi ni Piolo kung gaano siya ka-proud na ama kay Inigo Pascual sa achievement nito na ma-penetrate ang Hollywood. Isa si Inigo sa cast ng musical-drama series na Monarch ng Fox Entertainment.
“Napapa-smile ako lagi pag may nababasa akong articles, pag may nagpo-forward sa akin ng snippets ng show niya especially from the States,” ani Piolo.
Patuloy pang pagmamalaki ng aktor, “Even my relatives from the States are so proud of him na alam mong napapanood siya sa primetime sa States sa Fox.
“Na talaga namang sabi ko, you know na kahit ki-nlaim natin yan, hindi mo iisipin na mangyayari at mangyayari, ngayon nangyari na.
“I’m just really happy and I hope he continues to grow as an artist.”
Naikuwento rin ni Piolo sa mediacon na sa naging usapan nila ni InIgo nung ginagawa pa lang nito ang season 1 ng Monarch ay posibleng kailanganin ng gaganap na father ng role ni Inigo at may nag-suggest daw na mas okey kung mismong real father ng binata ang gaganap nito. Ibig sabihin, may chance din si Piolo na lumabas sa Monarch.
“I don’t know whose idea it was. Pero sabi nga niya, if ever pag mag-grow yung story, sabi nga niya… if they need… ahh find a father of Inigo, sabi nga niya sana raw ako. Let’s see,” saad ni Piolo.
Interesado ba siyang tanggapin ang role if ever para sa kanyang anak?
Tugon niya, “Let’s cross the bridge when we get there. It’s a different ballgame, you know. But, I’m there to support my son of course.”
Piolo is also praying na sana ay magtuluy-tuloy na ang nasimulan ni Inigo sa Hollywood.
“And now that he has it, he has his chance, he has one foot in, I hope he really breaks out, you know, big time in the international scene,” pag-asam niya.
“And he always has my support in whatever he does, and I believe in his talent. So, I’m just really happy that, you know, he gets to do international stuff, he gets to do something that is from Hollywood. He has my support all the way.
“Sana po, mas marami pang blessing pang dumating sa kanya,” wish ni Papa P para sa anak.
Samantala ibinahagi naman ng Beautederm president na ibang klaseng katrabaho ang isang Piolo Pascual. Hindi raw pala kataka-taka kung bakit hanggang ngayon ay well-loved ng showbiz industry at nananatiling on top pa rin of his game ang hunk aktor.
“Isa siya sa mga A-listers na nakilala ko na totoong wala siyang ere. Kaya pala siya Piolo Pascual at napaka-humble po niya. Parang hindi niya alam na… isa po siya sa endorsers na lahat ng mga kompanyang gaya ko ay puwede siyang kunin kasi sulit na sulit po siya,” papuri ni Rhea Tan kay Piolo.
Samantala, isa nga pala sa dahilan kung bakit sumusuporta si Piolo sa Beautederm ay dahil sa isa sa mga advocacies ng kumpanya na tulungan makapag-aaaral ang mga mahihirap pero deserving students.