Piolo Pascual, sumama ang loob sa MMFF

Piolo-Pascual Piolo-PascualSA INTERVIEW namin kay Piolo Pascual, inamin nito na sumama ang loob at dismayado siya bilang isa sa producer ng Kimmy Dora, Ang Kiyemeng Prequel, at ni isang award ay wala man lang itong nakuha sa katatapos na 2013 Metro Manila Film Festival Award’s Night. Mula nga sa lead actress nitong si Eugene Domingo, kung saan napunta kay Maricel Soriano ang best actress award, hanggang sa direktor nitong si Chris Martinez na hindi man lang nominado.

Ayon sa aktor, masakit ang nangyari. Dahil bilang isang producer, gusto niya ng isang patas na laban. Pero sino nga naman daw siya para kumuwestiyon at humusga? Na wala siyang magagawa kundi tanggapin na lang ang naging resulta, ipagkibit-balikat ang lahat at humiling na lang ng para sa ikabubuti ng lahat.

Sa nangyari, hindi naman ito nakawalang-gana kay Piolo para mag-produce pa ng mas maraming pelikula. May dalawang nakalinyang pelikula nga siyang ginagawa, kung saan isa rito ay ang pelikula ng anak niyang si Iñigo. Maraming  concepts na rin silang pinag-uusapan, kung saan ayon nga kay Piolo, paraan niya rin ito para ibalik sa industriya ang magandang pagtanggap din naman nito sa kanya bilang isang aktor.

Umiwas na pag-usapan si Shaina Magdayao, pero sa usaping career ay bukas na bukas si Piolo, at masaya nitong ibinalita na bukod sa romcom movie na pagtatambalan nila ni Toni Gonzaga at isang thriller indie movie na pagsasamahan naman nila ni Rhian Ramos, magbabalik-serye siya muli ngayong taon.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Previous articleJose Manalo, pinatatanggal sa noontime show?
Next articleMaja Salvador, malas sa career ni Gerald Anderson?

No posts to display