Piolo Pascual, tahimik na namimili ng properties

KAHIT MAG-QUIT sa showbiz si Piolo Pascual, financially secured na siya dahil sa dami ng kanyang investment. Aside sa pagiging producer, mahilig ding bumili ng mga properties ang actor, hindi lang dito sa Metro Manila, pati na rin sa US. Balita nga namin, may sarili na itong bahay sa America at may paupahan pa raw ito roon. Bukod pa sa family house ng kanyang parents.

Kailan lang, napag-alaman naming may property na binili si Piolo somewhere in Adriatico area, worth P60 million, 600 square meters at binayaran agad ito sa may-ari (Filipino-Chinese) nang cash. Maganda kasi ang location, puwedeng gawing business area. Pati nga raw katabi nitong property, may plano rin ang actor na bilhin ito kahit more than 100 million ang asking price.

Balak pala ni Papa P na magpatayo ng condo unit sa nasabing property na nabili niya. ‘Ika nga, good investment. Alam ng award-winning actor kung saan ilalagay ang kinita niya sa showbiz. Tahimik lang ang hunk actor, hindi nito pinagmamakaingay kung anuman ang kanyang naipundar.

Pagdating sa mga project na ino-offer Kay Piolo, kailangang naiiba at hindi pa niya nagagawa. Tulad ng action-thriller na OTJ (On The JOB) ni Direk Erik Matti under Star Cinema at Reality Entertainment. First time ni Papa P gumawa ng matitinding action scenes at love scenes sa pelikula. Sabi nga niya, worth watching raw ang pelikulang ito dahil pasok sa 66th Cannes Film Festival in France.

Ejay Falcon, may puwang na sa Pinoy action genre

 

VETERAN AND award-winning director Toto Natividad, may likha ng classic films na Utol, Alyas Pogi 2, Gropor Butch Belgica Story, Melencio Magat, Dugo Laban Sa Dugo, at Wangbu, believes that Dugong Buhay star Ejay Falcon’s fast transformation as an action star makes him deserving to be a part of Philippine Showbiz action royalty.

Dedikasyon sa trabaho ang pinakahinahangaan ni Direk Toto kay Ejay. Hindi malayong magkaroon ito ng sariling trono sa mundo ng aksyon. Ang acting, puwedeng pag-aralan at ma-develop. Pero ‘yung gift niya, taas, built, kaguwapuhan at lakas ng sex appeal, bihira lang ‘yun sa isang action star.

Tulad ng mga veteran nating action star, may kakaibang galing si Ejay. Naniniwala si Direk Natividad na deserving siya para magkaroon ng sariling trono lalo na’t isa siya sa mga artistang nagbalik ng action genre sa kamalayan ng mga manonood ngayon.

Judy Ann Santos, natutuwa sa improvement ni KC Concepcion sa acting

 

MALIGAYA ANG Pinoy Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos sa kanyang drama series na Huwag Ka Lang Mawawala, dahil hindi lamang ito umaliw sa mga manonood kung hindi nagsilbi ring inspirasyon ito sa mga kababaihang pisikal at emosyonal na naabuso at naapi.

Masaya si Juday, nagawa niyang makatulong sa ibang tao, lalo na sa mga babaeng inakalang wala silang magagawa laban sa mga mapang-abuso nilang karelasyon. Nagsilbing eye-opener sa sambayanan ang nasabing teleserye. Tungkol sa mga tunay na issue na hinaharap ng mga inaabusong kababaihan. Kasama rin sa cast ang award-winning actress KC Concepcion at well-acclaimed actor na si Sam Milby.

Ikinatuwa ni Juday ang malaking improvement ni KC as an actress. Ramdam na ramdam nito ang intensity ng character ng young actress sa bawat eksena. Malamang daw tanghaling Best Supporting Actress for Television si KC, ayon sa mga manonood.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleMegan Young, maiuwi na kaya ang mailap na Miss World crown?!
Next articleKC Concepcion, naudlot ang pagpapamalas ng galing sa pag-arte

No posts to display