INABANG-ABANGAN PA naman namin ang E Special Feature last Sunday tungkol kay Piolo Pascual na halos kasabay ng show ni Jessica Soho sa Kapuso Network noong Linggo.
Akala ko may bago. Akala ko dahil “imported” ang istasyon ay maganda ang presentation nila tungkol sa aktor.
‘Yun pala, wala rin at natutulog lang sa sariling mantika kung sino man ang executive producer at writer ng naturang feature na ‘yun na ang nakakaloka, tawag pa nila ay ‘Special” gayong wala namang espesyal.
Luma. Panis. Walang bago na kung ikukumpara mo ang mga istorya na ipinakikita sa The Buzz tuwing Sunday, ‘di hamak na mas magaling ang pagka-research ng mga maiinit na kuwento sa showbiz ng weekly show ni Kris Aquino at Kuya Boy Abunda. ‘Yun nga lang, wider ang audience at maiintindihan ng mas nakararami dahil the story was presented in the English language. Content wise, wala. Hindi marunong ang sumuat kung papaano ipi-present si Piolo sa manonood in a more interesting way.
May interview sila ng leading lady ng aktor sa Hawak Kamay na si Iza Calzaddo; may short blah-blah ang anak niyang si Iñigo at ang babaeng may hawak ng sikreto ni Papa Polo na si Moi Bien (ang kanyang personal assistant), mga pangkaraniwan lang naman ang sinabi.
Ewan ko kung bakit ganu’n at nagsayang lang ako ng 30 minutes ng panonod ko sa naturang show. Akala ko nga may sasabihin na bago si Papa P. Akala ko may pasabog o impormasyon na hindi alam ng mga fans at followers ng aktor na ipaaalam ng naturang “special”.
In short, bukod sa luma at panis ang presentation ng kuwento kay Piolo ng E Channel (Asia), sising-sisi ako at ipinagpalit ko ang interview ni Jessica Soho kay Nora Aunor.
Reyted K
By RK VillaCorta