SIX MONTHS AND three weeks palang na-rehab si Baron Geisler sa may San Juan rehabilitation center. Balik-showbiz na naman ang award-winning actor. This time, maraming bagay sa kanyang buhay ang gusto niyang baguhin. Kumusta naman ang naging experience niya sa loob ng rehab?
“Ang dami, sa umpisa tinatanong mo ang sarili mo kung saan ba ito? And then eventually, makikita mo ‘yung wisdom behind everything. ‘Yung paglilinis, waiting for you to make a call. Waiting for everything, hindi ura-uradang ibibigay sa ‘yo. And then I learned to deal with my problem so, ‘yun. Parang tinubuan ako ng utak sa loob ng rehab. Dati kasi puro kasiyahan ang gusto ko. I still want kasiyahan, but I have to choose life na, I have to grow na,” say ni Baron.
What made you decide na magpa-rehab? “Higher power, God, I know my interview, it might sound corny but that’s the truth, that’s what I’m going through right now. So, I’m just speaking what it’s real in my life, what’s happening. It’s a process, hindi naman ako ura-uradang magic na boom magbago ka na! Doon pa rin, may struggle pa rin sa loob, I’m getting things together. Hopefully, I’ll do it, one day at a time ngayon.”
Hindi ba sumagi sa isipan ni Baron na sikat siya at magaling na artista? “Never! Kaya nga pinabayaan ko ang sarili ko dahil hindi ko nirerespeto’ng sarili ko. Never pumasok sa utak ko na I’m a good actor kaya nga nagkaganito ang buhay ko, kaya nga sa ngayon tinitingnan ko nga ang sarili ko maging isang mabuting tao.
“Hindi ko ipagkakaila na mayroong kaunti, hindi ko talaga ginamit ‘yung aspect na sikat ako, magaling akong artista. Feeling ko, hindi sa pagiging magaling na artista. Behind all bad boy image, people can see potential. They can see my heart so, that is why they are willing to help me and I’m so blessed, God give me this people to support me.”
Ngayong nakalabas na si Baron sa rehab, may plano kaya siyang personal na humingi ng tawad kay Cherry Pie Picache? “I will apologize and make amends. God is amazing, if you up there, he will humble you. I was lucky na nadisiplina ako. I’m really praying, paglabas ko, I should take it easy, hindi ako dapat maging kampante. ‘Yung kay Cherry Pie, wala namang kaso. ‘Yung sa dalawa, hindi ako makapag-comment kasi nasa korte pa.”
Plans ni Baron sa kanyang career at sa magiging takbo ng buhay niya sa ngayon. “Bible studies and meetings. Sana kapag naging busy ako sa trabaho ko, hindi ko kalimutan kung saan ako nanggaling. Doon sa mga… alam mo ‘yun, sa Bible studies and meetings. Hindi ko puwedeng talikuran ‘yun kasi habang buhay na ‘tong struggle na ito.”
Sa pagbabagong-buhay ni Baron, tuluyanna kaya niyang iiwasan ang pag-inom ng alak ? “Hindi puwede ‘yun, ano ‘yan, drastic change talaga. Hindi puwede akong bumalik kasi unti-unti na naman akong mag-i-enjoy sa alak. Unti-unti na naman akong babagsak. Unti-unti na naman akong malulunod. Hindi ko maipapangako, I will work on it.
“Malaking pasasalamat ko kay Governor ER Ejercito, kay Direk Tikoy Aguiluz, sa pagtitiwalang ibinigay nila sa akin sa pelikulang “El Presidente”at sa manager ko si Arnold F. kasi kung wala ‘yung mga ‘yun wala ako sa harap mo. Si Direk Maryo J. de los Reyes, marami ‘rin ‘yung naitulong sa akin.”
Ayon kay Baron, going straight na siya ngayon, panibagong buhay sa loob at labas ng showbiz. “I’m doing my best, wala munang lovelife. Huwag muna baka doon na’ko babagsak. Right now, kailanganko munang mag-focus sa work, sa recovery ko. Hindi ko puwedeng kalimutan ‘yun. Hindi ko puwedeng isipin na magaling na ako. Parang sa trabaho ko rin, hindi ko puwedeng isipin na magaling na aktor din ako. Kailangang pag-igihan ko parati ang performance ko as an actor.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield