SIYEMPRE ANG inyong lingkod ay kailangang makakuha ng magagandang anggulo ng pictures, kaya napagpasyahan kong umakyat sa harang na container vans. Dito ay aking nakapanayam si Liz Villaseñor, head ng Manila City Tourism Office.
“Before and now is different kasi bago kaming lahat sa city government ng City of Manila. Ang bilang nila ngayon ay double kasi sabi ni Monsignor. But this term, they actually tripled early this year.
Tinanong natin kung puwede ba itong maging isang International Pilgrimage? “When you talk about international pilgrimage, siyempre we have to seek the approval of the Church because this is a Church activity.
This is the first event under Mayor Joseph “Erap” Estrada. Ayon kay director ay triple ang dumating na devotees noong umaga at noong 2:30 am ay nagkaroon pa ng stampede. May mga nahilo at nagtulakan. Dito ipinagdasal ni Monsignor ang mga nasaktan at sila ay gumaling. Ito ay maituturing na isang milagro.
So, if there will be a greater number of people every year, what are your plans? Would you like it to be an International Pilgrimage?
“Yes. ‘Yun na nga, but before we can have it as an International Pilgrimage, we have to have the approval of the church. This is an activity of the church. Assistance lang po kami ng City of Manila thru Manila City Tourism Office.
“The City’s Tourism Office siyempre is in charge of all the events in Manila. So, ang activity na ito ay with the directives of the Mayor. Hindi ito control namin.
“It’s a church. We spend, we help, we assist. ‘Yung security, we provide. Logistics, we provide. Pero roon po sa like unduly happening earlier, hindi po namin ma-control ‘yun; it was with the devotees.
“In terms of having it as an international pilgrimage, sorry for the term. But I think we really have to sit down and educate the devotees. Kasi may punto po roon na, I woud like to understand ‘yung sinasabi nilang ‘panata’.
“Kasi this is ‘faith in action’. We cannot question that. I was talking with a devotee early this year at the Grandstand. Why are you doing these, bakit kalingang magtulakan? ‘Ma’am Director, handa na kaming ilalay ang buhay namin sakaling mamatay kami. Ito ay isang regalo’.
“Something like that, ang hirap kong intindihin. Pilit kong inalam. I think faith is in action, so the city government thinks na hindi ito tourist attraction effect lang. Marami kasing devotees. Hindi natin sasabihin na pinagkakakitaan sila ng City Government ng Manila.”
Oo, nga naman. Kahit sabihin pa ng mga kaparian na ito ay milagro, subalit pagdating sa kaligtasan ng mga tao ay dapat ‘andoon ang ating mga security forces na pinangungunahan ng ating mga kapulisan. Ang medical assistance, siyempre ang mga doctors at nurse at mga ambulance na naghihintay.
‘Wag nating akalain na walang pakialam ang city government at umasa na lang tayo sa kaligtasan sa pamamagitan ng panalangin. ‘Andito City Tourism Department upang pangasiwaan ito. Sa akin na lamang observation, sa dagat ng mga tao na sumasali kada taon ay dapat mapanatili ang kaligtasan.
Ayon sa head ng nasabing department, handa naman ang Manila City Hall na makipag-ugnayan sa mga lider ng Simbahan upang pag-usapan ang mga dapat gawin at hakbangin tungo sa ikakayos ng nasabing Pista ng Nazareno.
Abangan natin ang mga susunod pa na mga inilahad sa interview kasama ang head ng City Tourism Office na si Liz Villaseñor.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Para sa opinion, e-mail: [email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia