[imagebrowser id=400]
MAHABA ANG preparasyon ng Pista ng Poong Nazareno ng Quiapo. Bisperas pa lamang ay naghahanda na ang mga deboto. Dito ay masasalamin ang mataimtim nating debosyon at paniniwala sa Poong Maykapal. Ang pagdiriwang na ito ay isa ng kultura ng mga Manilenyo na dinarayo ng mga iba’t ibang tao sa probinsya at siyudad sa buong kapuluan ng Pilipinas. Nagsimula sa Lu-neta Grandstand ang prusisyon, dumaan ito sa mga kalye ng Maynila pabalik sa Simbahan ng Quiapo.
Marami ang nahimatay at nasugatan sa dagat ng tao makalapit lang sa Poong Nazareno. Pero hindi ito hadlang upang hindi sumunod sa kani-lang tradisyon at panatang kinamulatan. Ang makahawak, makaakyat sa andas at makapunas ng panyo sa anumang bahagi ng sinasabing imahe ay itunuturing na magdudulot ng kagalingan sa anumang mga karamdaman at katuparan sa kanilang mga kahilingan.
Kung ating susuriin ang pana-nampalatayang ito ng mga Pilipinong Katoliko, isang hayag at walang doktrina na gawin nila ang nakamulatang tradisyon bagkus ang kanilang pag-ibig at pagmamahal sa Diyos ay nakatanim at nag-ugat na sa kanilang mga puso kaya patuloy nilang ginagawa ito tuwing ika-9 ng Enero.
Ayon sa kasaysayan, ang imahe ng Itim na Nazareno ay nagmula sa Acapulco, Mexico. Taong 1616 nang ito ay dinala sa ating bansa ng mga Paring Augustino sakay ng barko na aksidenting nasunog patungong Maynila.
Himalang ang imahe ay hindi nasunog at siya lamang ang natira sa sakuna. Umitim o nangitim lamang ito na sanhi ng pagkasunog ng barko na sinakyan nito. Nalampasan rin nito ang ikalawang digmaang pandaigdig at iba’t ibang sakuna katulad ng mga malalakas na lindol, mga bagyo at mga nagdaang sunog. Dahil sa mga pinagdaanan ng imahe, marami ang naniniwala na milagroso ito. Apat na siglo na (400 years) na ito ngayon.
Ang Bibliya ay nagsasabi na ang mga imahen na gawa sa kahoy ay sinasamba ng tao. Ito ay walang buhay at ang kaputol nito ay iginagatong. Ano nga ba ang dapat upang huwag tayong ma-ging labag sa ganitong pamamaraan? Sa aking pananaw ay maaring mapanganib kung sasabihin ito mismo ng Kristo, na si Hesus gayon ito ay gawa lamang ng tao samantalang si Hesus, ang Kristo, ay mula sa Diyos.
Marahil naniniwala naman ang karamihan sa mga mananampa-latayang Katoliko na daan lamang ito upang makalapit sa pananampa-lataya sa Diyos. Sa pamamagitan ng imahe ng Nazareno, nalalaman na ito ng Diyos. Dahil ang tao ay laging naghahanap ng paraan sa kanilang mga paniniwala.
Ating ihalimbawa sa isang larawan, upang makita ng mga mata, kailangang magpakuha ka ng picture na maaaring magamit sa iba’t ibang transaksyon, halimbawa ang passport, sa mga kumpanya na maaari mong magamit sa iyong inaaplayan at iba pa. Alam nating ang larawan nating kuha sa potograpiya ay kopya lamang ng tunay nating imahe bilang tao. Ang mga rebulto naman halimbawa rin ni Rizal hindi man ito mismo kamukha subalit ang sinisimbulo nito ay ang ginawa niyang kabayanihan para sa ating bansa. Pero tiyak alam naman ng tao na ang rebulto ng Nazareno ay gawa lamang sa kahoy na sinisimbulo nito ang pangyayari sa buhay ni Hesus, ngunit alam nila ang ang presensiya ng debosyon at tradisyon ng pistang ito ay iginagalang ng milyong tao. Sa tingin ko, ito ay isang bahagi ng magandang halimbawa ng mga taong naghahangad na makalapit sa Diyos.
Akin lamang paalala sa bumisita sa pistang ito: Para maiwasan ang disgrasya, ingatan ang sarili, magdala ng tubig para ‘di mauhaw sa prusisyon, huwag magdala ng mga mamahaling gamit at mag-ingat sa masasamang loob. At kung may bitbit na bata, ilayo sa volume ng tao para ‘di masaktan.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions: email. [email protected], cp. 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia