Pitong naglalakihang pelikula ngayong Kapaskuhan

ISA MARAHIL sa pinaka-exciting na inaabangan ng mga Pinoy ngayong Pasko ay ang naglalakihang pelikula na kasali sa 2011 Metro Manila Film Festival-Philippines. Tradisyon na ng pamilyang Pilipino ang mag-enjoy sa mga palabas sa sinehan tuwing Kapaskuhan. Nagsisilbi na ring family-get-together ang bakasyong ito, kaya naman bonding moments sa kanila ang panonood ng sine. Ito ang aming paunang silip sa seven films competing for this year’s MMFF.

PANDAY 2 – Pinagbibidahan nina Senator Bong Revilla Jr. at Marian Rivera, ang Panday 2 ang latest installment ng classic movie ng Da King na si Fernando Poe, Jr. Doble ang gastos sa bagong Panday kaya naman nakaka-proud na ito ay gawang Pinoy. Hindi matatawaran ang special effects ng pelikula. Kasama rin sa movie sina Iza Calzado, Lucy Torres-Gomez, Lorna Tolentino, Philip Salvador, Rhian Ramos, Eddie Garcia, Jolo Revilla at Benjie Paraz.

YESTERDAY TODAY TOMORROW – Ang nag-iisang drama film. Kuwento ito ng sanga-sangang pag-ibig, pamilya at pakikipagkaibigan. Ito ang nagsisilbing comeback movie ng nag-iisang Diamond Star Maricel Soriano na reyna na rin pagdating sa awards sa mga dati pang MMFF. Kasama rin sa pelikula sina Gabby Concepcion, Solenn Heussaff, Jericho Rosales, Lovi Poe, Carla Abellana, Paulo Avelino, at Dennis Trillo.

ENTENG NG INA MO – Ang pagsasanib-puwersa ng dalawa sa mga top-gossing actors ng MMFF, sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas. Tiyak na ang labis-labis na tawanan sa movie na ito dahil, dalawang bigating artista pagdating sa komedya ang magsasama upang mabigyan ng saya ang bawat manonood. Kasama rin dito si Eugene Domingo na isa pang magbibigay-saya sa mga moviegoers.

MY HOUSE HUSBAND, IKAW NA! – Ang pagbabalik ni Judy Ann Santos sa pinilakang tabing, kasama na ang kanyang real-life husband na si Ryan Agoncillo. Matatandaang dalawang pelikula na ang pinagsamahan ng mag-asawa noong sila ay magkasintahan pa lang, ang Sakal, Sakali, Saklolo at Kasal, Kasali, Kasalo na tunay nga namang humataw sa takilya. Kasama pa rin dito ang nag-iisang Eugene Domingo bilang ‘The Other Woman’ sa kuwento na tiyak magpapasaya sa mga manonood.

SHAKE, RATTLE AND ROLL 13 – Tradisyon na sa taunang MMFF ang panonood ng mga Pinoy ng mga horror movies at isa na sa pinipila-hang franchise ay ang Shake Rattle and Roll na ngayon ay nasa ika-13 taon na. Ito na ang huling SRR, dahil ayon kay Mother Lily Monteverde, lucky number niya ang 13. Ito ang 3rd starrer ng palung-palong si Eugene Domingo sa MMFF 2011. Kasama sa pelikula sina Edgar Allan Guzman, Zanjoe Marudo, Jay Manalo, Louise delos Reyes, Hiro Magalona, Kathryn Bernardo, Dimples Romana, Sam Concepcion at marami pang iba.

SEGUNDA MANO – Horror Queen Kris Aquino sa pakikipagsanib sa GMA superstar na si Dingdong Dantes sa isa rin sa pinakaaaba-ngang pelikula sa MMFF. Kuwento ito ng pagkahilig na tao sa mga second hand items, tapos may mga kasama palang kuwento ang mga bagay ito na siyang pinakasentro ng movie. Silang dalawa rin ang producer ng pelikula at ito ang kauna-unahang horror movie ni BB. Joyce Bernal. Kasama rin sa pelikula si Angelica Panganiban.

MANILA KINGPIN (The Untold Story of Asiong Salonga) – Ang kaisa-isang action movie sa MMFF. Kapuri-puri ang dating nito sa black and white presentation. Karapat-dapat nga ang A-rating nito mula sa Cinema Evaluation Board at marami ang nagsasabing hahakot ito ng awards sa Gabi ng Parangal kabilang na ang Best Picture award. Pinagbibidahan ni Governor ER Ejercito, kasama sa casts sina Carla Abellana, Philip Salvador, Baron Geisler, at introducing ang anak ni Gov. na si Jericho Ejercito bilang young Asiong Salonga.

Sana lahat ay tangkilin ng mga Pinoy sa darating na December 25, suportahan natin ang pelikulang Pilipino upang lalo itong magning-ning.

PERSONAL: KAARAWAN na namin sa December 31 kaya naman nagpapasalamat na kami sa mga unang nakaalala at sa mga taong tumulong sa amin noong naoperahan kami last March. Hindi matapus-tapos ang pasasalamat namin sa inyo. Hindi na namin isa-isahin ang inyong mga pangalan, nawa’y marami pang blessings ang dumating sa inyo sa taong 2012. Merry Christmas at Happy New Year sa lahat din ng tagasubaybay ng Pinoy Parazzi, Juicy, Paparazzi at Cristy FerMinute. Mabuhay!!!

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous articlePhilip Salvador, pinatunayan ang galing kahit na kontrabida ang role
Next articleTatakbo raw na vice-mayor ng Pasay Philip Salvador, ginagamit lang ng mga pulitiko sa lungsod?!

No posts to display