PAANO KAYA kung ang mga nilalaro natin sa arcade games gaya ng Pacman, Space Invaders, at iba pa ay maging totoo at makalaban pa natin? Nakae-excite naman iyon na makalalaro mo ang mga nilalaro mo sa arcade games, pero may twist na sila ang iyong makalalaban. Kung ating i-imagine, masaya na suspense dahil sila ang mga kalaban, paano kung panoorin na lang natin, mukhang masaya pa, tara at panoorin natin ang bagong movie na Pixels.
Aarangkada na sa mga sinehan ang isa sa mga bagong movies ngayong taon na ito, ang Pixels. May isang event na tinawag na Arcade game world championships, at kung saan ayon sa MC ng event na ito, isang time-capsule ang ila-launch sa space na naglalaman ng iba’t ibang elements ng championship, pero sa ‘di inaasahang bagay noong ni-launch na ito sa space ay mayroong mga aliens from outer space ang nakakita ng time-capsule na ito na naglalaman ng mga videos ng arcade games ngunit na-misinterpret ng mga aliens na ito na akala ay naghahamon ng away, naghahamon ng war ang mga tao sa mundo sa kanila.
Kaya ang ginawa ng mga aliens ay sumugod sila sa pamaraan na ang army nila ay ang mga iba’t ibang characters mula sa arcade games tulad ng larong Pacman, Space Invaders, at iba pang mga arcade games. Sa pangyayaring iyon, magiging literal na arcade game world championships nga talaga ang mangyayari. Matalo kaya ng mga tao ang mga iba’t ibang characters ng mga alien na iyon o magwawagi ang mga aliens from outer space? Panoorin natin ang mangyayari na iyan sa movie na Pixels.
Ilan sa mga arcade games doon na nabanggit ay ang larong Pacman at Space Invaders, naaalala n’yo pa ba ang mga larong iyon? Ang Pacman ay isang arcade game na dinebelop ng Namco at ito ay unang ini-release sa Japan noong May 22, 1980. Ito ay inimbento ng isang Japanese video game designer na si Toru Iwatani.
Pumatok ang larong ito sa masa kaya ito ay tinaguriang one of the highest-grossing video games of all time dahil sa napakaganda at napakasayang laruin nito. Ang agenda ng laro ay dapat makain lahat ni Pacman ang pac-dots para mag-advance sa next stage. Pero sa maze ding ito, kailangang iwasan ang apat na kalaban o ghosts na sina Blinky, Pinky, Inky, at Clyde. Pero mayroong mga power doon na kapag nakain ni Pacman ay magkukulay blue ang mga ghosts na ito na ibig sabihin ay puwedeng kainin.
Ang Space Invaders ay isa ring arcade game na dinebelop naman ni Tomohiro Nishikado at ini-release ito noong 1978. Ito ay isa sa mga earliest shooting games, kung saan ang kailangang gawin ay talunin ang mga waves ng aliens gamit ang lazer cannon para makalikom ng maraming puntos.
Ang Space Invaders ay two-dimensional fixed shooter game, kung saan tayo ang magko-control ng lazer pa-horizontal para talunin ang mga waves ng mga aliens at patagal nang patagal naman ay pabilis nang pabilis ang pag-atake ng waves ng mga aliens na ating dapat talunin.
Ito ang mga ilan sa mga arcade games na ating mapanood sa Pixels na ating mapanonood na sa August 26, 2015 directed by Chris Columbus. Kaya huwag nating palagpasin ang exciting na movie na ito.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo