KAPAG CHRISTMAS season, marami ang nasasabik at marami rin ang mga nag-aabang o nakatambay sa Starbucks para makumpleto ang mga stickers para sa Starbucks Coffee 2015 Planner. Paano nga ba tayo makakukuha ng kanilang limited edition planner?
Ito ang mga mechanics para makakuha ng Starbucks Planner:
• Tayong mga customer ay maaaring mag-avail ng Starbucks Christmas Tradition Promo card mula Nobyembre 3, 2014 hanggang ika-8 ng Enero taong 2015.
• Isang sticker ang ibibigay sa bawat pagbili ng Starbucks handcrafted beverage. Dapat ay makolekta natin lahat ang 18 stickers upang makakuha tayo ng Limited edition ng Starbucks Coffee 2015 Planner. Sa Holiday Featured Beverages, maaari tayong pumili sa mga ito tulad ng Toffee Nut Latte, Peppermint Mocha, at Christmas Cookie Latte, pangalan pa lang ng mga beverage nila ay masarap na, Starbucks ‘yan, e!
• Dapat nating ipakita ang Starbucks Christmas Tradition Card sa mga barista sa Starbucks sa mga beverage na ating binili upang makuha ang corresponding number of tickets para sa ating Planner.
• Kung sakali naman ay ang Holiday Featured Beverages ay hindi available tulad ng Cookie Latte, maaari nating ipalit muna sa ibang natitirang mga beverages tulad ng Toffee Nut Late at Peppermint Mocha. Paano kung wala lahat itong tatlo? Hindi na ‘ko maaaring makapag-avail ng sticker? Hindi, kung sakaling wala lahat ng Holiday Featured Beverages, doon lang tayo maaaring pumili ng Espresso-based o Frappucino.
• Dapat makolekta natin ang kinakailangang bilang ng stickers upang mag-qualify sa pagkuha ng limited edition Starbucks Coffee 2015 Planner.
• Kapag nakumpleto na natin lahat ng stickers, i-submit lamang natin ang Starbucks Christmas Tradition Card upang makuha ang Starbucks Coffee 2015 Planner. Ito ay puwedeng kunin sa kahit anong Starbucks Coffee Store sa Pilipinas.
• Pag-tamper o paglipat ng mga stickers para lamang makuha o ma-meet ang kinakailangan na sticker ay kansel, hindi po puwede iyon.
• Sa bawat bili ng handcrafted beverage gamit ang Starbucks card ay mabibigyan din ng isang sticker at isang beverage star.
• Kung ikaw naman ay maraming binili sa Starbucks na mga pagkain o mga retail items na nagkakahalaga ng kahit hanggang P7,000, hindi mo na kailangang mangolekta ng sticker at meron ka na agad ng Limited Edition Starbucks Coffee 2015 Planner. Ang hiwa-hiwalay na resibo upang makabuo na umaabot sa P7,000 ay hindi po puwede.
• Ang pagbili ng maraming gift certificates at Starbucks Card load o reload na nagkakahalaga ng P7,000 ay hindi qualify para sa nasabing planner.
• Ang maaaring transaction at discounts ang qualified para sa promotion ay ang Senior Citizen Discount, Handicapped Discount, VAT Exempt, Personal Cup/Tumbler P5 na discount.
• Ito naman ang mga coupons at discounts na hindi qualified sa promotion na ito, ang Service recovery coupon, Free Tall Beverage Coupon, Customer Voice Redemption, Rustan Coffee Partner Discount, Rustan Group of Companies discount, Starbucks Card registration treat and coupon, Starbucks card beverage treat redemption, at HSBC Redemption.
• Ang Promotion na ito ay nagsimula na noong Nobyembre 3, 2014. Ang mga stickers ay maaaring ma-obtained mula nang nagsimula itong promotion hanggang ika-8 ng Enero.
• Ang pagkuha ng Limited Edition Starbucks Coffee Planner ay simula Nobyembre 3, 2014 hanggang Ika-8 ng Marso sa anumang Starbucks dito sa Pilipinas.
Ang saya, ‘di ba? Dahil bawat sticker ay sulit dahil sa masarap na ang bawat beverage na binibigay ng Starbucks, makakumpleto lang tayo ng mahigit 18 stickers ay may Limited Edition na tayo ng Starbucks Coffee 2015 Planner, kaya tara na at mag-ipon ng stickers ng Starbucks.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo