PNP at DILG pinag-initan ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ sa napakababaw na dahilan

COCO MARTIN

CONTROVERSIAL ang primetime series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidah ni Coco Martin. Pinag-iinitan ito ng PNP. In fact, winithraw na nila ang suporta sa programa.

Umepal din ang DILG at nagsabing balak nilang kasuhan ang creator ng Ang  Probinsyano kapag  hindi ito nagpalit ng plot. Nanawagan pa sila na dapat daw makialam na ang MTRCB.    

But sad to say, sa naging pahayag ng MTRCB, hindi raw nila saklaw na panghimasukan ang  programa. Na tama lang din naman dahil ang trabaho nila ay i-classify lang ito.

Bigla ring kumambyo ang DILG at sinabing wala naman silang balak ipatigil ang programa.

Anyway, nag-isyu na rin ng official statement ang ABS-CBN tungkol sa isyu. Ayon sa network, walang intensyon ang programa na sirain ang reputasyon ng PNP o ng kahit anong organisasyon.

Iginiit din nila na ang mga tauhan, lugar at pang-yayari  na napapanood sa programa ay pawang fictitious o kathang isip lamang na nakalagay naman sa disclaimer ng programa bago ang simula ng pagpapalabas nito gabi-gabi.

“Ang Probinsyano” assures the Philippine National Police (PNP) that the characters, places, and incidents in the program are purely fictitious as stated in the disclaimer aired at the start of the show every night.

“There is no intention to smear the reputation of any organization or portray any person in a negative light.

“The program has also portrayed its main character, Cardo, as a hardworking police officer dedicated to saving lives and serving his fellowmen.

“As in the past years, FPJAP has highlighted that good shall always triumph over evil and has shared valuable lessons and family values that have resonated with viewers,” nilalaman ng kanilang official statement.

Umapila din ang grupo ng Concerned Artists of the Philippines sa kanilang fellow artists na patuloy na ipaglaban ang freedom of expression.

“We laud and encourage other fellow artists and cultural workers to continue calling out these attacks on freedom of expression, the suppression of truth, and human rights violations. Let us continue uniting and strengthening our ranks against a renewed wave of assaults.”

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleKris Aquino hindi kayang pumatay ng tao; kapatid ng dating business partner kakasuhan!
Next articleDAHIL SA BAD POLICE CHARACTER: Ervic Vijandre, namimiligro

No posts to display