SUPER REACT ang Philippine National Police Chief na si Oscar Albayalde sa aksyonserye ng aktor na si Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa imahe na ipinoportray tungkol sa mga kapulisan na negatibo para sa pinuno ng ahensiya.
To quote Albalyalde: “Masayadong masama ang ipinapakitang imahe ng ating pulis sa Ang Probinsyano” na nagreact ang publiko.
Sa ganang akin, anong imahe ang tinutukoy? Imahe ba ng pulis na panggahasa ng isang nahuli nila sa likuran ng kanilang mobile car? Pulis na nagpatayan sa loob ng presinto? O pulis na sangkot sa pagbebenta nng droga na sila mismo kapwa nila pulis ang nakahuli na ang mga kuwento na ito ay mula mismo sa tunay na gananapan?
Nagiging katatawanan lang ang pagdepensa ng PNP chief sa mga alipores niya na masasama.
May ilan na matitinong pulis na hindi corrupt pero mabibilang mo lang sila.
Kaya nga kaloka ang POV (Point of View) ni Albayalde at isinisisi ang serye dahil ipinapakita lang ng show ang kabuktunan ng hanay nila.
Sa totoo lang, isang eye-opener ang aksyonserye ni Coco dahil siya lang (ang produksyon) ang may lakas ng loob na ipakita ang nangyayari sa lipunan.
Why super react kung ipinapakita ng palabas na may mga corrupt na mga kapulisan, lalo na ang mga opisyales tulad sa karakter ni John Arcilla na kung updated ka sa show ay nakikipagkutsabahan kay Eddie Garcia na isang ganid na negosyante na into illegal mining.
Kung the good side of the PNP naman ang gusto ipakita ng show na ipinagdidiinan ng PNP Chief, andyan si Jaime Fabregas na isang may mataas na katungkulan bilang police chief na dahil sa pagtutol niya sa kabulukan ng sistema sa kanilang hanay ay siya pa ang nakulong at mga pulis sa show na hindi sangayon at kontra sa mga maling sistema.
Tuloy, katawa-tawa ang punto de bista ni Albayalde.
Kung nababahala siya sa totoong bad image ng police force sa paningin ng publiko, the best way ang magpakatino sila at huwag isisi sa Ang Probinsyano.
Maging si Senatorial candidate na si Neri Colmenares ay nagsalita na rin tungkol sa isyu.
To quote Colmenaras: “Huwag ninyong sisihin ang TV show. Sisihin niyo ang mga pulis na gumagawa ng krimen,” na kung thinking Filipino ka ay maiintindihan mo ang punto.
Dahil sa isyu ni Albayalde, ang mga netizens, with the Pinoy humor ay may opinion din.
Say ni Laila Palmares-Cerny: “You know you’re under Martial Law when your fave tv show gets the ire of those in power.”
“When art imitates life, tapos may mga PIKON. LOL” reaksyon ni Joseph Sanchez sa isyu.
Reyted K
By RK Villacorta