SINO BA ang makalilimot sa anime at favorite video game na Pokemon? Ang Pokemon ay isang media franchise ng Pokemon Company, ito ay ginawa ni Satoshi Tajiri noong 1995. Ang Pokemon ay isang anime at ginawan din ng video game, kung saan ay mayroon mga fictional creatures na tinatawag na “Pokemon” kung saan ang mga tao ang huhuli upang kanilang i-train at ilaban sa iba pang mga pokemon.
Mayroon silang tinatawag na Pokeball na ginagamit nila upang ma-capture ang creatures o ang Pokemon. Hindi mawawala ang favorite nating barkada na sina Ash, Misty, at Brock sa kanilang adventure na pag-capture ng mga Pokemon at magpalakasan laban sa mga kalaban, at hindi rin mawawala ang cute na cute na alaga o Pokemon ni Ash na si Pikachu.
Nakami-miss laruin din ang Pokemon sa game boy kung saan iba’t ibang Pokemon ang naglabanan tulad ng Pokemon Emerald, Pokemon Red, Pokemon Blue, at iba pa. Nakami-miss, ‘di ba? Pero maghintay lang tayo dahil parating na ang Pokemon Go.
Bye COC na nga ba at hello Pokemon Go na? Sa darating na 2016 ay ilo-launch ang Pokemon Go. Ano nga ba ang Pokemon Go? Ang Pokemon Go ay dinevelop ng Niantic Inc. originally founded by Google Earth co-creator na si John Hanke. Dito sa Pokemon Go, tara na at mag-travel between the real world at virtual world ng Pokemon gamit itong Pokemon Go na magiging available sa iPhone iOs at Android Playstore.
Dito sa Pokemon Go na ito ay ating madi-discover sa panibagong mundo, ating mundo mismo upang maghanap ng Pokemon. Huh? Paano? Gamit ang small device na tinatawag na Pokemon Go Plus, ito ang mag-e-enable sa Pokemon Go players para ating ma-enjoy ang game at kahit hindi tayo tumitingin sa ating smart phone, ang device ay kumo-connect sa smartphone via bluetooth at gamit ang LED at vibration. Dahil dito ay ang mga players ay maaring manghuli ng Pokemon o kaya ay iba pang simple actions sa pamamagitan ng pagpindot ng button sa device.
Dito sa Pokemon Go ay ating mae-enjoy lalo ang laro ng Pokemon, magiging trainer tayo na kung saan ang ating ma-capture na Pokemon ay puwede nating ilaban sa mga kaibigan natin at sa iba pa, puwede ring mag-trade at iba pa.
Ang Niantic, Inc., The Pokemon Company at Nintendo Co. Ltd. ay magko-contribute para sa Pokemon Go project na ito. Hindi lang iyon, pati si Junichi Masuda ng Game Freak Inc., ang Game Director ng Pokemon video game series ay magko-contribute din para sa project na ito upang maging successful at effective ito.
Nakae-excite naman ‘yun, dahil magiging trainer tayo at ating ite-train ang ating maka-capture na Pokemon. Ating aalagaan, puwede nating ilaban sa mga ating kakilala, kaibigan, at kahit kanino pa, puwede rin tayong makipag-trade ng creatures ng Pokemon na ating gusto.
Sa 2016 pa ilo-launch ng Japan ang isang malaking project na ito at marami na ang nag-aabang, marami na ang mga nae-excite sa pag-launch nito. Hindi lang iyon, ito ay available sa iPhone App store at Android Playstore nang walang charge. Ating tunghayan pa ang marami pang information para sa nakae-excite na game na ito, ang Pokemon Go.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo