Poker Boys: Mga Bagong Pahada sa Sugalan

TWEET NI KRIS Aquino kahapon: “I think I caught the same virus as Bimby (Baby James), 4 straight nights ako fever and body aches. Now still coughing.

“Sana, 5 days lang talaga and finished na. Just staying in bed today and super REST.”

Get well soon, Mareng Kris!

BLIND ITEM: NAKAKALOKAH, may nag-text sa amin. At may inaalok sa amin. Ang eksaktong text? Narito…. (nasaan?)

“Mga bagong pahada sa sugalan: PR… CD… JA…” (actually, sinadya na lang naming initials na lang ang ilagay at ‘wag na ‘yung complete name nila para mapiga naman nang konti ang utak n’yo sa panghuhula).

Sabi pa sa text: “Sila ang mga Poker Boys. Pagdating nang 2am, bagsak na ang presyo ng mga ‘yan. Ikaw, gusto mo i-book ang isa sa kanila?”

I’m sure, hindi lang kami ang tineks ng ganyan. Baka kahit ‘yung ibang reporter, inaalok din or gusto lang nilang itsika ito.

Pero may mga naririnig na talaga kami tungkol dito. Siyempre naman, pa’no mo ime-maintain ang bisyo mo kung wala kang pinagkakakitaan, ‘di ba?

Iisip ka talaga ng paraan, ‘di ba? Eh, ‘yun ang pinakamabilis na paraan – ang magpa-booking, ‘di ba?

Mas mauunawaan siguro namin kung sa tindi nang kagipitan, kaya bumigay. Pero dahil lang sa merong bisyong mine-maintain? Aba’y hanggang kailan ka magpapa-booking?

Hmph! Matawagan nga namin ang isa rito.

Tange, hindi para i-book. Para ano…ahm… iklaro ang isyu.

Hehehe.

HINDI MAKAPANIWALA SI Vice Ganda sa init ng pagtanggap ng mga taong nanood ng kanyang mall show sa SM Fairview para i-promote ang kanyang launching movie na Petrang Kabayo.

Sabi sa amin ng promo coordinator ng Viva Films na si Moises, “Alam mo ba, October 13 pa ang showing ng Petrang Kabayo, pero rito pa lang sa SM Fairview, meron nang bumili in advance na mga 120 people.”

Gano’n na raw ngayon. Me advance selling na raw kahit malayo pa ang playdate. “Hindi nangyayari ang gano’n. At isang magandang sign ‘yon na papatok ang pelikula.”

At sa na-witness nga namin na lahat ng floors ng SM ay nakadungaw at nanonood lahat sa ground floor kung saan nakatayo ang entablado at ‘yung sobrang tilian ng mga tao, du’n mismo nalokah si Vice.

“Nakakalokah, mama, ano ba ‘to? Hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo ba ‘tong nangyayari sa atin? Masyado yatang mabilis.”

Gano’n talaga tumakbo ang kabayo – mabilis.

HANEP SI BILLY Crawford palang mag-perform. First time naming napanood siya in concert na sayaw nang sayaw, pero sa boses, hindi namin narinig na siya’y hinihingal.

At sobrang pinabilib kami ni Luis Manzano. Hindi man siya kumanta sa 25 B.C. concert ay nag-iwan naman siya ng tatak sa audience. Nakakatawa ang potah. Manang-mana kay Edu Manzano.

At siyempre, walang kakupas-kupas pa rin si Sarah Geronimo. Ang boses, ang kinis-kinis! At hindi rin nagpatalbog ng hatawan sa floor kay Billy.

Nakita namin sa audience gallery sina Zanjoe Marudo, R&B Prince Jay-R, Karylle, Nikki Gil, Mr. Pure Energy Gary V., Sam Concepcion, Mark Bautista at nakalimutan na namin ‘yung iba, pasensiya na.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleMariel at Robin, ‘di ipagdadamot sa publiko ang church wedding sa Disyembre
Next articleDahil sa pagharap sa mga isyu: Shaina Magdayao, magaan na ang dibdib

No posts to display