IT’S A double big event for Wenn V. Deramas this November 2015. Book launching ng kanyang bio book entitled “Direk 2 D Poynt” at showing ng kanyang pelikulang Wang Fam na pinagbibidahan nina Pokwang, Benjie Paras, at Alonzo Muhlach under Viva Films. Super excited ang mega director sa napaka-exciting na event na mangyayari this coming month.
Confident si Direk Wenn na magugustuhan ng manonood ang bago niyang pelikula na riot sa katatawanan. Another box-office hit na naman ito sa takilya. Sa trailer palang, nakaaaliw na. Bigay-todong ipinakita ni Pokwang ang pagka-versatile actress niya sa pelikula. Hindi lang siya magaling na comedienne, isa rin siyang actress. Pinatunayan niya ito sa indie film na ginawa niya sa Star Cinema.
Ayon kay Pokwang, swak ang tandem nila ni Direk Wenn, may chemistry sila together kaya puro take one ang bawat eksena ng magaling na komendyana. “Kakaiba ang mga punchline ni Direk Wenn, nakakatawa talaga. Kailangang naka-timing kapag nagbitiw ka ng dialogue. ‘Yung bang may impact agad sa tao kapag eksena mo na. It’s a group effort ng bawat isa sa amin para maging masaya ang bawat eksena. Kailangang ini-enjoy ang ginagawa mo para maramdaman ng viewers na ramdam mo para maging natural ang pagiging comedian ko,” sambit ng komedyana.
As a comedienne, may sariling style si Pokwang sa pagpapatawa. ‘Yun ang nagustuhan ni Direk Wenn sa bago niyang anak-anakan. Puring-puri nga ng box-office director si Pokwang. Palaging on time sa set at always ready for take. “Napakagaang katrabaho si Pokwang, wala akong kahirap-hirap idirek siya. Para nga lang kaming naglalaro sa set. Lahat ng artista ko, puro professional kaya madali naming natapos ito. Sulit ang ibabayad ng manonood dahil sobrang saya ng pelikula,” pagbibida ng award-winning director.
Kahit paulit-ulit ang supporting cast ni Direk Wenn sa bawat pelikula niya, hindi siya nababahala. Katwiran niya, “Bakit ako kukuha ng ibang artistang pang-supporting kung bibigyan naman ako ng problema. Ang mga artista ko, kahit anong role ang ibato mo sa kanila, nagagampanan nila nang tama ang character na pino-portray. Ayaw kong ma-stress, magaling ka nga, pero may attitude problem, huwag na lang.”
Maging sa budget ng Wang Fam, nag-adjust si Direk Wenn para hindi gumastos nang malaki ang Viva films. Concerned din ang magaling na director/writer sa kanyang producer. “Kailangang i-consider mo rin ang producer, nagbawas ako ng shooting days para tipid. Kung maliit lang ang budget ng pelikula, madali mo itong mababawi,” say ni Wenn D.
Before the book launching at showing ng pelikula, fly muna si Direk Wenn siya sa US with his two kids Gab and Raffy for 2 weeks vacation. Recharge muna ang box-office director before doing his Metro Manila Film Festival entry Beauty and the Bestie this December 2015 na pinagbibidahan nina Vice Ganda, Coco Martin, James Reid, and Nadine Lustre under Star Cinema and Viva Films.
Ngayon pa lang, marami na ang nag-aabang ng bio book ni Direk Wenn na ila-launch sa National Bookstore this November 2015. Marami ang makare-relate sa buhay pag-ibig ng nag-iisang Wenn V. Deramas. Kung papaano niya na-achieve at narating ang kinalalagyan niya sa ngayon.
Para sa amin, si Direk Wenn ang “male Cinderella” ng makabagong henerasyon. Mababasa rin ninyo ang journey niya sa “Ang Tanging Ina” working with the great stars and leading men. Nang mangmahal at ma-in love si Wenn D. Behind the success of every great director.
Sa totoo lang, kapag inumpisahan ninyong basahin ang true-to-life story ni Wenn V. Deramas. Hindi ninyo ito bibitawan dahil bawat chapter ay kapana-panabik. Abangan this November at National Bookstore.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield