SISIMULAN NA ang bagong pelikula ni Pokwang, ang Aswang with Richard Yap na ididirek ni Wenn V. Deramas under Star Cinema. Malaki ang paniniwala ng box-office director na magiging successful ang tandem nila together. Say nga ni Wenn D, “Bagay na bagay kay Pokwang ang project. Hindi ko sinasabing mukha siyang aswang. ‘Yung pagiging flexible ni Pokwang, physically. Naniniwala ako, ang pagkita ng isang pelikula ay nasa timing. Basta maganda ang timing, tapos dasalan mo at wala ka namang inaagrabyadong tao, ganu’n lang lagi ang formula.”
Naniniwala si Direk Wenn sa kakayahan ni Pokwang as a comedienne dahil nakatrabaho na niya ito sa kanyang mga pelikula. Walang pag-aalinlangan ang comedy director na magiging successful ang balik-tandem nilang dalawa. “Ako ang nagsabi sa Viva, nag-co-prod ang Star Cinema. Maganda kasi ang istorya tungkol sa pamilyang aswang na sila na ‘yung huling lahi.”
Sobrang saya ni Pokwang nang malaman niyang may movie sila together ni Direk Wenn. Pumapasyal pa ito sa set ng Praybet Benjamin, dahil kapitbahay lang niya ang location shooting. “Nagpapadala siya ng pagkain sa set. Bukod doon, pinagbabalot pa niya ako ng pagkain. Nakadalawang pelikula rin kami ni Pokwang, ang “The Lucky One” at saka “Apat Dapat”. Kumbaga, may foundation na ‘yung aming pagkakaibigan. Kailangan lang naming patibayin nang husto. Ako’y naniniwala sa pagiging komedyante ni Pokwang,” kuwento ng versatile director.
Hindi maiiwasang i-compare si Pokwang kay Ai-Ai Delas Alas, dahil pareho silang comedienne. Hindi raw kayang higitan ni Pokwang ang galing ng Comedy Queen sa comedy. Sa totoo lang, may kanya-kanya silang style sa pagpapatawa. Say nga ni Direk Wenn, “Mahirap kapag sinasabi nating ‘yan may comparision. Mas naniniwala ako bilang Pokwang, may iaangat pa siya. May ilalaki pa siya bilang komedyante. Tamang project, ‘yung ganu’n ang dapat ibibigay kay Pokwang.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield