KAYA PALA sobrang blooming ngayon si Pokwang, isang British national ang nagpapakilig ng puso niya. At naka-schedule na dumating ito sa Pilipinas para bisitahin siya. Malamang ay January 26 daw ang arrival nito.
“Pero ano ‘yon, ha… hindi ko pa naman boyfriend ‘yon,” maagap na paglilinaw ng komedyante nang makausap namin sa farewell at thanksgiving presscon ng Aryana.
Paano niya na-meet ang Britsih guy na ito named Mark?
“No’ng um-attend ako ng birthday ng kaibigan ko sa Las Vegas last November. Nando’n siya sa bar kung saan ginanap ‘yong party. ‘Yon lang… tsu tsu tsu tsu! Ganda ako, eh. Pilipina ako, eh. Alam mo naman ang Pilipina… pak!” natawang biro pa niya.
“Magkaedad kami. Single siya. Diborsiyado. Hindi pa kasi siya nakakapunta ng Pilipinas. So, gusto lang niyang makita ang kagandahan ng ating bansa. At proud ako na makita niya ang kagandahan ng Pilipinas.”
So magiging tourist guide siya nito?
“Kung walang trabaho. Kung wala akong gagawin, why not?”
Ini-entertain niya ang nasabing British guy, ibig sabihin type din nga niya ito?
“Mabait kasi siyang tao. Disente. May pinag-aralan. Maganda naman ang hanap-buhay. Magandang lahi.”
If ever na maging sila at yayain siya nito na iwan na lang ang kanyang career dito sa Pilipinas at sa abroad na lang sila tumira?
“Ay, hindi! Hindi ako basta-basta aalis. Pasyal lang siguro. Pero ‘yong iiwanan ko ang trabaho ko rito, napaka-walang utang na loob ko naman sa ABS. Ang gaganda ng opportunity na ibinibigay nila sa akin, ‘di ba?”
Isang chef umano ito. May sariling restaurant. Eh, mahilig at masarap ding magluto si Pokwang kaya bagay nga sila.
“Kapag umuwi siya rito, pakakainin ko siya. Marami tayong masasarap na recipe. Number one sa atin ‘yong adobo. Kare-kare. No’ng nag-meet kami sa Las Vegas, two days after, bumalik na ako ng Pilipinas. Nagtatawagan na lang kami.”
Tila magka-lovelife na nga siya nang bonggang-bongga ngayong ngayon 2013?
“Sana! Oo. Pero kagaya nga ng lagi ko ring sinasabi… hindi ko naman talaga hina-hanap. ‘Di ba? Kapag nandiyan, eh ‘di nandiyan.”
Ano naman ang reaksiyon ng kanyang sixteen year old daughter sa kanyang British suitor?
“Actually noong una, kumukontra!” natawa ulit na sabi ni Pokwang. “Pero ngayon, hindi na. Siguro naisip din niya na darating ang araw na iiwanan niya rin ako,” kapag nag-asawa na ito ang ibig niyang sabihin.
“She’s sixteen. At gano’n na rin katagal na wala akong lovelife. Natiis ko na gano’n katagal, huh!”
But it seems the long wait is over dahil nga merong nanliligaw na British guy sa kanya. Would it be worth the wait kaya?
“Pakiramdaman muna natin. Kasi ‘di ba… ilang beses na akong napaso? ‘Di ba? Ngayon pa ba naman, tatanga-tanga pa rin? Pag-aralan muna natin. Kung talagang siya at nakita ko ‘yong sinseridad, why not, ‘di ba? Alam mo minsan, kung talagang kayo, kayo, eh. Kahit iwasan mo, ‘di ba?”
Ano ang next project niya ngayong malapit nang magtapos ang Aryana?
“Meron po. Pero ayaw pa nilang sabihin sa akin. Isu-surprise pa ako nila.”
May movies din daw na naka-line up sa kanya.
“Meron po akong gagawin para sa TFC. Meron din pong indie film. ‘Yong indie film, nagri-ready na kaming mag-shoot by next month,” ending na nasabi ni Pokwang.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan