BUNTIS BA si Pokwang? Last Sunday, sa taping ng Kris TV sa food crawl nila ng mga Pinoy street food with Kris Aquino, nahilo ang komedyante.
Kasama nina Pokie at Tetay ang leading man ng komedyante na si Lee O’ Brian sa pelikulang Edsa Woolworth na handog ng TFC para sa kanilang ika-20 anniversary.
Walang kaabug-abog, biglang nanghina ang komedyante sa kalagitnaan ng taping nila. Sa photo repost ni Darla Sauler (head writer sa show at confidante ni Kris) may hanging question sa nangyaring kaganapan kay Pokwang.
Tuloy, sa social media, biglang nagbigay ng kani-kanilang opinion ang publiko at tagasubaybay ng komenyante.
Wala mang pag-amin, mababasa mo na there is something between Pokwang and her leading man na si Lee.
Wala mang sinasabi or kinukumpirma ang American actor na matagal-tagal na rin na walang karelasyon, sinabi ni Lee sa mga TV interview na may chance na maging sila ni Pokwang ‘pag nagkataong tuluy-tuloy lang ang “special friendship” nilang dalawa.
Sa US kasi habang sinu-shoot ang movie nila, panaka-naka ay nagde-date sila dalawa. Dahil sa kabisihan naman ng promo rounds nila para sa pelikula na showing today para maging mabuting host ng mga American co-stars niya, isang special dinner ang ginawa ni Pokie para sa kanila sa haybols niya. Ipinagluto ni Pokie ng adobo si Lee, laing at chicken sopas. Ang adobo ang favorite ni Lee na noong nasa Amerika pa lang sila nagsi-shooting, nagki-crave na ang aktor sa “luto” ng komedyante.
‘Di ko lang alam kung nakasunod si Pokie kay Lee sa Boracay para sa short vacation nito roon.
Kung saan aabutin ang magandang “friendship” between Pokie and Lee, we hope na maging masaya na ang komedyante. She deserves to be happy para sa amin, dahil ang tagal na rin pala niyang hindi umiibig.
Si Kris at Boy Abunda na tagabuyo kay Pokwang (nang mag-guest sila sa The Buzz) ay tuwang-tuwa sa new found special friend ng kaibigan nila.
I just wonder kung bakit may mga taong negative na ang dala-dalang “nega” vibes ay ayaw maging masaya ang kanilang mga kapwa. Meron nga riyan na hindi pa man naipalalabas ang pelikula ng komedyante, nag-iisip na maging flop ito sa box-office.
Diyos mio, tama na nga ang padasal-dasal at pagno-novena kung ang iniisip ninyo naman sa inyong mga kapwa ay mapasama siya at hindi maging masaya.
Goh, Pokie… goh! I am behind you para sa kasiyahan mo.
Reyted K
By RK VillaCorta