Pokwang, deadma sa mga nume-nega!

HINDI PA namin napapanood, pero we promised Pokwang na by hook or by crook ay panonoorin namin ang kanyang A Mother’s Story, dahil kami na lang yata ang nahuhuli sa balitang nakakaiyak at nakakatuwa ang kanyang pelikulang kinunan pa sa US.

Una na itong napanood ng mga kababayan nating OFW, kaya super relate na relate sila sa kuwento. Kahit naman kami, kahit hindi pa kami magtrabaho sa abroad ay ramdam na ramdam namin ang hirap at sakripisyo ng mga ito para lamang maitaguyod ang mga umaasa sa kanila sa Pilipinas.

Swak na swak nga kay Pokwang ito, dahil for how many years ay naging OFW siya sa Abu Dhabi. Kaya feeling namin, maraming nominations ditong makukuha si Mareng Pokwang.

Ikaw, napanood mo na ba?

SABI NGA, kapag may pumupuri, meron ding bumabatikos. At normal na rito ‘yan sa showbiz. Habang pinupuri ng mga nakapanood ang A Mother’s Story ni Pokwang, merong ibang misguided elements namang nume-nega.

Ang sabi’y hindi naman daw gano’n kaganda. Hindi naman daw gano’n kapuno ang mga sinehan. Ayos lang ‘yon, opinyon nila ‘yon, eh. Pero ‘yung siraan pa si Pokwang at kung anu-ano pa ang sabihin para lang i-prove sa kanilang pini-PR na, “Kakampi mo kami against Pokwang,” parang hindi na tama.

Itong mga ganitong klaseng tao, pansinin ninyo, panay ang nega, kaya ang ending, kokonti rin ‘yung positivity na pumapasok sa buhay nila. Pa’no kasi, hindi na lang sila ma-ging inspirasyon o magsabi nang constructive.

Sabi naman ni Pokwang, “Hayaan na, mare. Kung hindi nila ‘ko gusto, wala akong magagawa at hindi rin naman para i-please na lang sila nang i-please. Mahalin na lang nila nang bonggang-bongga ang mga nanay nila, happy na ‘ko!”

SO ANO ba talaga? Nagkaroon na ba ng “merging” ang TV5 at ang GMA-7 in the near future? Nagkabentahan

na ba o nag-merge lang talaga?

Meron nga kaming nakausap na isang expert diyan, eh. Ang sabi, sana raw, matuloy na ang merging ng dalawang network para pinag-isa ang isang matinding kalaban ng Kapamilya Network.

Sabi pa sa amin, pati raw ang mga production people, production crew, magkakaroon na ng parang market value, dahil nandiyan daw ang “sulutan,” at “name your price” factor.

Kami nga, meron ding nagtatanong kung paano kung alukin kami?

Hehehe! Juice ko, una, ako ay matutuwa, dahil ang ibig lang sabihin, naniniwala silang makaka-contribute kami sa paglago ng kanilang network.

Pero siyempre, maraming dapat i-consider diyan. Una, hindi naman kami pinapaalis ng ABS-CBN at lagi naman kaming me kontrata at increase every year (til Oct., 2012).

Saka ang mas importante sa amin ay ang mga kasamahan sa industriya na natutuwa sa mga kaganapan, dahil sila rin ang makikinabang sa mga nangyayari.

Kami ay maligaya naman bilang Kapamilya. So far, so good naman.

Ang mahalaga sa amin, hindi kami nagsusunog ng tulay at hindi rin porke maligaya kami bilang Kapamilya ay magsasabi kami nang hindi maganda sa ibang istasyon.

Maliit lang ang mundo, ‘wag na nating masyadong paliitin pa. Tayu-tayo lang din naman ang magtutulu-ngan, ‘di ba?

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleWala nang babalikang trabaho sa ‘Pinas Mo Twister, may naghihintay nang kaso!
Next articleImburnal

No posts to display