Pokwang, gustong i-try ang Amerikanong leading man

PokwangALIW ANG Saturday namin sa imbitasyon ni Pokwang sa haybols niya sa Antipolo. Sa totoo lang, ang ganda ang bahay niya. Sa gilid ng isang gulod na overlooking ng kabundukan.

Kung tama ang bilang ko, bukod sa ground level kna siyang garahe, four floors ang haybols ni Pokie na nabuo niya sa kanyang pagtitiyaga, sipag at pagiging masinop na rin pagdating sa pera. From one of those stand-up comedienne ng Music Box, heto na ang bunga ng paghihirap niya.

Wala marahil nakapagsabi kung ano ang magiging kahihinatnan ng buhay niya mula sa magkano lang na talent fee kapag nagse-set siya sa sing-along cum comedy bar. Baka nga hindi pa kasya pang-matrikula ng anak na si May ang bayad sa kanya sa gabing rumaraket siya.

Pero si Pokwang malayo na ang binaybay. Malayo na ang narating. Ang istraktura ng haybols niya ang patunay. Ang mga naipon niya tulad ng real estate properties ay mga impok niya sa kanyang pagpupuyat para maitaguyod ang anak at ang kanyang mga mahal sa buhay.

Noong araw na ‘yun na nag-imbita siya ng ilang press people sa haybols niya, pinatikim niya muli sa amin ang kanyang “Laing ni Pokie” na super sarap na sinahugan ng malalaking hipon. Malinamnam ang lasa “Tulad ko?” sabay tawa niya. Busog na busog kami. Daming handa pero mas busog kami sa mga tsika niya.

Aliw si Pokie sa karanasan niya hang sini-shoot sa Amerika ang Edsa Woolworth na produced ng TFC (The Filipino Channel) para sa kanilang ika-20 anniversary. “Mga 25 days din kami du’n,” kuwento niya over coffee.

May kiliti sa kanya ang Amerikano na leading man niya sa pelikula na si Lee Obrian. “Mabait siya. Magalang. Maasikaso sa babae. Parang siya ang US version ng Robin Padilla natin,” tsika niya.

May kilig si Lee sa kanya. “Why not give a try. Kapag may chance p’wede naman siguro,” sabi niya tungkol sa tsansa na magkatuluyan sila ng kapareha in real life. Mula nang umuwi siya galing USA para gawin ang pelikula, regular na silang may communication.

Sa Pasko kung saan for the first time ay sa Coron, Palawan sila ng pamilya niya mag-i-spend ng Christmas, baka makakasama niya si Lee. “Sabi ko sa kanya, mas magaganda ang mga beaches natin. I-search niya sa internet. Waley ‘yong mga Ibiza (Spain) na ang mamahal pa,” pagmamalaki niya.

Sa Thursday, aalis si Pokie kasama ang mga kaibigang K Brosas, Pooh at Chokoleit para sa series of shows nila sa US na 4 Da Laffs. Pero two days prior to her departure, work muna siya para sa first taping day niya para sa bagong teleserye niyang Nathaniel na scheduled for airing sa November.

“Sa eroplano na lang ako matutulog. Bongga ang show naming ito. Sa Friday, nasa Hawaii kami sa Blasdell Concert Hall; October 19 sa Sam’s Town Casino sa Las Vegas. Aapir din kami sa San Diego sa October 25 sa Pala Casino at sa Chicago October 1 sa Copernicus Theater at sa New Jersey sa November 2 at sa Wellmont Theater.

“Si May (ang dalaga niya) susunod sa amin sa Los Angeles. Sabay sila ng anak ni Mareng K,” kuwento ni Pokie.

Sa biyaheng ito, panigurado niya, mag-e-enoy ang dalaga niya dahil first time. Sabi nga niya sa anak na manood ito ng mga musical plays sa New York.

Excited si bagets sa lakwatsa niya with her madir.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleMarian Rivera, hinding hindi na raw panonoorin ng matadang tinalakan
Next articleKylie Padilla, gustong magamit sa action films ang pagiging martial arts expert

No posts to display