Pokwang, inisnab ang offer na sumabak sa pulitika


HINDI PALA umubra kay Pokwang ang mga offer sa kanya na pasukin ang pulitika. Marami palang lu-mapit sa kanya na kanyang kababayan sa Antipolo. Kahit na maraming nag-uudyok sa kanya, malaking HINDI ang kanyang sagot.

Nang makausap namin si Pokwang kamakailan sa taping ng Toda Max, nasabi niya sa amin na mas gusto na lamang niyang tumulong sa abot ng kanyang makakaya.

Kahit naman daw hindi siya maging pUlitiko ay kaya naman daw niyang makatulong sa kapwa.

“Nagulat nga ako nu’ng lapitan nila ako. Ang sabi ko, hindi ako nakatapos ng high school. Ano naman ang gagawin ko diyan, ‘di ba? Sa iba na lang ‘yang mga puwestong ganyan,” sey niya.

“Ayokong  sabihan nila na ang kapall ng mukha ko. Alam ko naman ang kapasidad ko. Focus na lang ako sa showbiz. Dito sa showbiz, alam ko ang pasikut-sikot. ‘Di tulad sa politics,” sabi pa niya.

Sa ngayon ay sarado ang utak niya sa pulitika.

Kungsabagay, mataas pa naman ang career ni Pokwang.

E, ‘di nga ba’t kasabihan ngayon na kapag malamig na ang career ng mga artista, pulitika ang kanilang takbuhan?

Well, let’s wait and see.
LAST SATUDAY night sa Smart Araneta, nasaksihan namin ang awards night ng Artista Academy. In fairness, napuno naman ang nasabing venue. Kasi nga ay marami ang nagsasbi sa amin na baka hindi raw mapuno ng mga scholars ng  Artista Academy.
Isa lang ang ibig sabihin nu’n, marami ang supporters ng mga top 6 na sina  Akihiro Blanco, Vin Abrenica, Mark Neumann, Sophie  Albert, Chanel Morales at Shaira Mae.
Saksi kami na ang pinakamaraming fans ay si Akihiro Blanco. At sa babae naman ay si Sophie Albert. Kung kaya kung pagbabasehan ang dami ng fans, si Akihiro na ang best actor.
Sa performance night at sa ipinakitang aktingan nu’ng gabing ‘yon, kitang-kita na  nakalalamang  na  si  Akihiro.  Pero  laking dismaya ng lahat nang si Vin Abre-nica ang tinanghal na best actor. Pero okey lang daw ‘yon kay Aki, ang importante ay luma-ban siya at ipinakita niya ang kanyang best.
Sabi nga ng fans, basta si Aki ang best actor para sa amin. “Hindi man siya nanalo, siya pa rin ang idol namin!”

Na kung maririnig ni Aki ang mga salitang ‘yon ay sigurado kaming tataba ang kanyang puso.
Nakausap din ni Aki si Wilma Galvante after the show at nasambit nito sa bagets, sabihin sa fans niya na huwag bibitaw.
Ang tanong, sa text vote lang ba nakau-ngos itong si Vin?
Ayon   naman   kay   Vin, itong si  Aki  ang kanyang naging mahigpit na karibal.
Si Sophie Albert ang tinanghal na best  actress. Masaya siya na nakuha niya ang kanyang minimithi na walang masasabing nanggamit siya ng ibang tao o kamag- anak na from showbiz. Tita nga niya kasi sina Kris Aquino at Mikee Cojuangco.
Congrats, sa bumubuo ng Artista Academy, Kay Direk Mac Alejandre, Lorna Tolentino, Gelli de Belen at Ma’am Wilma. Sana may next year pa.
At ngayong tapos na, back to zero na ang labanan. Sino ba talaga ang magtatagal sa industriya?

BLIND ITEM: Knows n’yo ba kung sino iitong naispatan ng aming very reliable source na isang young actor at isang gay director na isang gabi ay nakitang nag-dinner sa isang resto sa may Timog area?
Baka naman close lang ang dalawa bilang magkaibigan kung kaya naman nagagawa nilang mag-dinner. May kasama naman daw ang dalawang bida natin. Kaya hindi matukoy kung anong klaseng dinner date ‘yon.
Yes, sikat si young actor at ganon dinasi gay director. Guwapo siyempre at mahusay umarte. Si gay director ay may isang movie na talaga namang tumiba sa takilya.
O, knows n’yo na ba kung sino sila?
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

Previous articleVin Abrenica at Sophie Albert, kauna-unahang Best Actor at Best Actress ng Artista Academy!
Next articleJoross Gamboa, napulitika sa serye kaya ‘di natuloy?!

No posts to display