RIOT SA katatawanan ang pelikulang Wang Fam na pinagbibidahan nina Pokwang, Benjie Paras, at Alfonso Muhlach sa diresyon ni Wenn V. Deramas under Viva Films. Kakaibang horror comedy ang masasasaksihan ninyo dahil kakaibang pagpapatawa ang gagawin dito ni Pokwang.
Buong ningning na ipinagmalaki ni Direk Wenn na siksik sa mga eksenang katatawanan ang ipamamalas dito nina Pokwang at Benjie Paras. Sulit daw ang ibabayad ng manonood ‘pag pinanood nila ang WF. Maging ang mga kasama nila sa pelikula ay grabe ang ginawang eksena – nakakaloka. Mismong ‘yung sitwasyon ang nakakatawa, lagyan pa ni Direk Wenn ng mga dialogue at tatawa kayo sa inyong kinauupuan.
Makabago ang comedy treatment na ginawa ni Direk Wenn sa Wang Fam. Bilib ang box-office director kay Pokwang, magaling sa timing, pati magdi-deliver ng dialogue, sakto sa bawat eksena. Maging kami ay nasaksihan namin ang ilang eksena nina Benjie, Pokwang, at Alonzo Muhlach. Matatawa ka na hindi mo namamalayang tumatawa ka na.
Naniniwala kasi si Direk Wenn na marami pang ilalabas si Pokwang as a comedienne. Dito sa pelikula nila ilalabas ng mega director ang itinatago pang galling ng komedyana. Sabi nga ni Pokwang, “Itodo na ang katatawanan para sa ikasisiya ng manonood. Promise, mag-i-enjoy sila sa makabagong comedy film namin ni Direk Wenn. Marami kaming nakatutuwang eksena rito ni Benjie at inyong maiibigan. Biggest break ko ito dahil si Direk Wenn ang director ko na kilalang box-office director. Siyempre, gusto ko ring maging box-office comedienne sa tulong ni Direk at ng Viva Films ni Boss Vic del Rosario.
Excited din si Direk Wenn sa nalalapit niyang book launching ng “Direk 2 Da Poynt” na gaganapin sa National Bookstore. Kakaiba ang librong ito ng award-winning director dahil ibinahagi niya sa publiko kung ano ang kanyang pinagdaanan para maabot ang success na tinatamasa niya sa ngayon. Very personal ang book na ito, walang limitation, lahat-lahat isiniwalat niya rito pati ang kanyang lovelife. Abangan…
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield