SA DAMI ng nagdo-donate ng relief goods, ‘yung ibang goods ay “bads” na, dahil nabubulok na, kaya hindi na napapakinabangan at itinatapon na lang mula sa warehouse ng DSWD.
Sa totoo lang, tumingin lang naman tayo sa ating paligid, an’dami ring nangangailangan kahit pa hindi sila nasalanta ng bagyong Yolanda, eh.
Maaaring ang taong ito ay kapamilya mo, kapitbahay mo, kasambahay mo o ang lehitimong foundation na malapit sa puso mo. Baka sa kado-donate mo sa Yolanda, makalimutan mo na sila, ha? Ang ending niyan, baka makaisip silang sumakay sa Villamor Airbase at maghintay na mailipad sila ng C130 para lang magtungo ng Tacloban, dahil doon bumubuhos ang tulong at donasyon.
Tingin-tingin din sa paligid at doon, abot-tanaw mo na kung sino ang dapat mong tulungan.
“NAPANOOD KO na ang pelikula, mare. Ang saya ng movie!” tsika sa amin ni Pokwang patungkol sa kanyang pelikulang Call Center Girl na showing na sa November 27 kasama sina Enchong Dee, Jessy Mendiola, K Brosas, John Lapus, Chokoleit, Jestoni Alarcon, Ejay Falcon, Aaron Villaflor and yours truly.
“Jusko, mars, dugo’t pawis ang inilaan ko sa pelikulang ‘yan. Tapos, pati kayong mga kaibigan ko, kinarir talaga ang pelikulang ‘yan, kaya sana naman, maging blockbuster ito!” wish pa ni Pokey.
Wish nga rin ni Pokey ay um-attend ang idol niyang si Ate Vi sa premiere night sa Nov. 25 sa Megamall.
“Juice ko, mare, kaya mahal na mahal ko ‘yang si Ate Vi, alam mo ba kumbakit? Nakakalokah, nagpadala ng lechon sa bahay. Mula Batangas, iniluwas sa Antipolo nu’ng birthday ko, sino ba naman ang hindi mamahalin si Gov, ‘di ba? Juice ko, kahit ano’ng hilingin ni Ate Vi, go ako. Ganyan ko kamahal ‘yan!”
NAPANOOD NAMING nagho-host sa reception ng kasal nina Sir Chief at Maya sa Be Careful With My Heart ang anak ni Sylvia Sanchez na si Ria Atayde. At kami mismo, masasabi naming merong ibubuga ang lola n’yo, lalo na siguro sa hosting.
Basta sabi namin kay Ria eh, magpapayat muna bago sumabak, dahil ‘pag hindi siya tumigil sa kakakain ay kamukha na rin niya ang mahusay umarteng anak ni Rez Cortez na si Kai Cortez.
Sabi naman ni Ibyang (palayaw ni Sylvia), “Nako, mare, hindi muna siya mag-aartista. Kailangan, gumradweyt muna siya next year. ‘Yang hosting niyang ‘yan sa teleserye namin, biglaan lang ‘yan. Last minute lang ‘yan. Kasi, ‘yung mga gusto ng staff, wala, dahil busy lahat sa pagnyu-news ng bagyong Yolanda.
“Hindi na rin ako makahindi sa mga boss ko, hahaha! ‘Yan lang naman ang labas niya. Kailangang magpapayat na siya ngayon pa lang para next year, pagpasok niya, maganda na katawan niya.”
Brainy ang anak na ito ni Ibyang at katunayan, kung hindi kami nagkakamali ay secretary general ito ng DLSU student council. At hindi basta-basta kayang lokohin ng lalaki, dahil mukhang intimidating kahit pa sweet ang fez.
SECOND TIME na naming napanood ang indie gay film na Slumber Party at kahit alam na namin ang mga eksena ay hindi pa rin naming mapigilang humagalpak sa movie na ito na kasali sa Cinema One Originals na produkto rin ng ABS-CBN.
Ang husay-husay rito nina Markki Stroem, Archie Alemania at RK Bagatsing bilang magkakaibigang bading at isa pang sinasaluduhan namin sa husay sa pagganap si Sef Cadayona (ang Cornetto Boy).
Revelation naman dito bilang nakakatawang bakla si Nino Muhlach na sabi ni Direk Emman dela Cruz ay puwede na ring maging production designer si Onin, dahil ang buo nitong kasuotan hanggang sa mga pekeng kuko ay bitbit nito sa set. Gano’n nito kung pahalagahan ang kanyang maikli, pero markadong role.
Sa mga hindi nakakaalam, ang co-producer nitong Origin8 ay siya ring producer ng nakakatawa ring Zombadings, kaya asahan na kung gaano rin ito nakakatawa na showing na next week.
‘Wag n’yo naman pong kalimutang bisitahin ang aming website: www.ogiediaz.net at ang youtube channel naming www.youtube.com/ogiediaz1, ha? Sundan din kami sa twitter for more chika updates (@ogiediaz) at sa Instagram (@ogie_diaz).
Oh My G!
by Ogie Diaz