SINASABI NG IBA, wala na raw career si Pokwang. Kasi nga, sanay ang mga detractors na napapanood siya sa noontime show, tapos nga-yon, wala na. Banana Split na lang ba?
Ano bang problema kung ‘yun lang ang programa ni Pokwang sa ngayon? Eh, hindi yata nalalaman ng iba na gumagawa siya ng pelikula ngayon with Bossing Vic Sotto, Zaijian Jaranilla at Bea Alonzo.
Tapos, isasama pa siya sa isang teleserye. ‘Yun ba ang wala na? ‘Yun ba ang “laos” na?
ITINUR NGA KAMI NI Pokwang sa kanyang ipinapagawang “mansion” sa bandang Antipolo malapit sa tinitirhan niya. Wow! Apat na palapag ‘yon na kung tagurian namin ay glass house dahil puro nga salamin ang dingding.
Juice ko, ‘yun palang house na ‘yon ay so far, nakaka-P18M na siya.
“’Yan ba ang naghihirap, mare?” sabi namin kay Pokwang.
“Oo nga, eh. Juice ko, ang cheap-cheap ko na siguro kung pati passbook ko ay ipapakita ko pa para lang sabihing mali sila. Pero hayaan mo na sila, mare.
“Kung happy sila na gumawa ng kuwento, eh di sige. Basta ang importante, nakakatulog ako sa gabi. Sana, sila rin.”
GANO’N PALA TALAGA pag desperado ka nang wasakin ang iyong kapwa, ‘no? Pag hindi nagtagumpay sa maitim na balak, mas maitim na balak naman ang next in line.
Ngayon, para siyang “the boy who cried wolf.” Wala nang naniniwala sa kanyang mga paninira. Pa’no kasi, gawain na niyang manira noon pa man, so sino pa ba ang masa-shock sa ginagawa niya?
At na-realize namin, hindi pala lahat ng Inglisero ay mata-lino. May mga bobo rin pala. Di ba, dapat, kung ano’ng iniliit mo, siya namang inilaki ng utak mo o ng puso mo?
Mag-iimbento na nga lang ng kuwento, hindi pa kapani-paniwala. Sa talas ng dila mo at sa daldal mo, nakuha mong “ilihim” at ngayon lang ibulgar na may nagbanta pala sa buhay mo?
That’s unbelievable.
‘Di ba, dapat, pina-blotter mo na agad ‘yon para if anything happens to you, alam na ng mga kinauukulan kung sino ang prime suspect?
Ngayon, nagpupuputak ka. Nagsusumbong ka sa publiko para makuha mo ang simpatya nila at paniwalaan ka?
Ayan kasi, gumagawa ng “twists” ng mga kuwento, eh. Panay tuloy ang explain sa public.
SA TWITTER AY sinabi na namin ito at dito ay sasabihin uli namin na “Pag dapang-dapa na ang tao, ‘wag n’yo nang tadyakan. Lalo na kung alam n’yo sa sarili n’yong wala naman kasalanan sa inyo ‘yung tao.’
Sabi nga sa amin ng mga kaibigang production people ng ABS-CBN, “’Wag mo nang patulan at sagutin sa E-Live ‘yan. Level-up ka na dapat!”
Kaya ‘eto, dito lang sa mga kolum ko sa dyaryo, sa aking blogsite (http://www.ogiediaz.blogsite.com) at sa twitter na lang namin sinasabi ang aming panig.
At hindi rin namin kaila-ngang magpaliwanag sa mga akusasyon mo, dahil ikaw ang nag-imbento niyan, kaya ikaw ang magpaliwanag sa tao.
Saka kung hindi ka nagtagumpay bilang aktor noon, eh, ‘wag kang taray nang taray at lait nang lait sa mga artista para pumasok ang mga commercials sa TV show mo.
Oh My G!
by Ogie Diaz