BLIND ITEM: “’TEH, lalaki raw talaga siya, hindi raw siya bading. Katunayan, meron daw siyang girlfriend ngayon!”
‘Yan ang sey sa amin ng isang kaibigan. Nakasama raw niya sa room ang singer na produkto ng isang search.
“Malamya kung sa malamya kumilos. Pero ‘yun ang projection niya, eh. Ganu’n lang daw talaga siya kumilos. Napagkakamalan lang siyang bading, pero barako raw siya talaga. Nami-miss na nga raw niya ang girlfriend niya, eh. Promise, ‘teh, lalaki raw talaga siya. Hindi siya bading!”
So, siya, ano’ng tingin niya? Hindi nga bakla ang singer na ‘yon? Biglang natawa ang aming kausap. “Ha-ha-ha-ha! Oo nga pala, ‘teh…. lalayo pa ba ko eh, ikaw nga, may asawa at apat na anak! Ha-ha-ha! Tapos siya, me girlfriend?” sey ng aming kausap. Hindi na kami magbibigay ng clue, dahil baka magalit si “senador.”
“KUNG MAKAPAGSALITA ANG potah, akala mo, kung sinong guwapo! Hindi ko rin naman siya type, ‘no?!”
‘Yan ang sey ni Pokwang nu’ng makarating sa kanya na sinabi ng isang TV host na hindi ito nagagandahan kay Pokwang at hindi niya ito type!
“Tumigil siya. Asikasuhin niya muna ‘yung kaso niya, ‘no?!” So, hulaan n’yo na ‘yan kung sino ‘yan, ha?
Sabi nga ni Pokwang, hindi bagay kung sila ang magkakatuluyan, dahil ang sagwang pakinggan: Pokey Mo Loveteam!
Hindi na muna nagbababasa ng mga diyaryo ngayon si Pokwang. “Saka lang ako bumibili ng dyaryo ‘pag tumatawag ang mga kaibigan kong reporter. “Pero ‘yung bibili ako ng diyaryo, tapos, i-stress-in lang ako, wa na. Ba’t ko bubuwisitin ang sarili ko, ‘di ba?”
Aware si Pokie na lately ay mga negative write-ups ang kanyang napapala. “Mare, magtatrabaho na lang ako kesa isipin pa sila. Basta ako, pinaninindigan ko kung ano ‘yung pinaniniwalaan ko!”
Mukhang palaban na si Pokwang, ha? Kung kanino? Hulaan n’yo na lang.
NAKATUTUWA SI KUYA Boy Abunda. Kung tutuusin, kaya niya ang post bilang Tourism secretary habang nanggagalaiti sa insecurity ang mga detractors niya. Pero mas pinili ni Kuya Boy na magturo ng broadcasting sa mga estudyante ng Philippine Women’s University kung saan du’n din niya nakuha ang kanyang masteral degree.
O, ‘di ba? masuwerte ang mga estudyante, dahil based sa experience ang ituturo ni Kuya Boy sa kanila.
Maganda ‘yan, Kuya Boy. Kung saan ka happy, go lang nang go! Less intriga pa ‘yan. And that’s the bottom-line.
Oh My G!
by Ogie Diaz