NAMATAY NA ang komedyanteng si Pokwang. Sa press launch ng bagong teleseryeng Nathaniel, she plays “nanay” to Marco Masa, ang cute na bagets na gaganap bilang anghel mula sa langit na bumaba sa lupa para makatulong sa mga tao na magbalik-loob sa Diyos.
Napaiiyak ang komedyante sa simpleng tanong namin kung minsan ay kinuwestyun niya ang Diyos sa mga nangyari sa buhay niya. Namatayan siya ng anak na dapat sana’y kasing laki na ni Enrique Gil na kuya ng kanyang “anghel” na anak na si May.
“Wala na ako mahihiling pa. Ibinigay na niya (The Lord) ang alam niya ay para sa akin,” kuwento niya.
Minsan muntik na rin siyang namatay. Nalunod siya sa ilog na puno ng mga water lilies noong bata pa siya nang mag-swimming sila ng mga kaibigan niya. Sa ilalim ng tubig, dahil sa madilim ,hindi siya makaahon hanggang sa may makita raw siyang liwanag at isang bata na pakiwari niya ay itinuturo sa kanya ang tamang daan na naging dahilan para makaahon siya.
“Siguro, ‘yung batang ‘yun… ‘yun ang angel ko,” sabi niya.
Sa mga tao na nakaranas ng near death experience, iisa ang kuwento nila. Sa sitwasyon na hindi nila alam na kadalasan ay madilim ang paligid nila ay may makikita silang liwanag na ‘yun ang pupuntahan nila na kapag naabot nila ‘yun, kadalasan, they survive a critical situation.
Sa kuwento ni Pokwang, hindi man niya marahil alam, minsan na rin siya namatay na muli pinagbigyan siya ng nasa Itaas na muling mabuhay nang makita niya ang liwanag.
May ilang mga tao na naniniwala sa sinasabing near death experience or kung minsan ay ang pagbabalik ng spirit natin sa ating katawang lupa na ewan ko kung ang kuwento ni Pokie tungkol sa karanasan niya ay paniniwalaan niya na minsan na rin siya namatay at nang makita ang liwanag sa ilalim ng tubig na madilim, muli siyang nabuhay.
Paniwala ni Pokie, ang panganay niyang anak ang isa sa mga angels na nagbabantay sa kanya. Usually if you believe in angels, sila ang katuwang natin sa pagtawid natin sa mga karanasan natin na akala natin ay talong-talo na tayo.
Sa mga sitwasyon na muntik-muntik o baka namatay tayo ( aksidente, sakit, etc,) ang mga angels natin ang katulong natin para mairaos natin ang sarili sa mga ganitong sitwasyon. Ang mga angels, sila ang gabay natin.
Sa dami ng sitwasyon na naitawid ni Pokie, alam niya, hindi man niya nakikita may mga angel na nakabantay sa kanya bukod ang anak niya na namatay na at ang anak na si Mae na mahal na mahal niya.
Reyted K
By RK VillaCorta