MULING NABUBUHAY ang pagkukumpara kina Ai-Ai delas Alas at Pokwang dahil nga pareho silang may bagong movie project. Katambal ni Vic Sotto si Ai-Ai sa Enteng ng Ina Mo na entry sa MMFF at si Pokwang naman eh, bida sa opening salvo ng Star Cinema at The Filipino Channel (TFC) sa taong 2012, ang A Mother’s Story. Ngayon nga ay may mga bulung-bulungan na si Pokwang na raw ang next Ai-Ai delas Alas. Nilinaw naman ng komedyana na wala silang rivalry ng comedy concert queen at sinabing hayaan na lang ang mga tao na humusga dahil mahirap daw kung manggagaling sa kanya. Kung saan man daw naroon ngayon si Ai Ai, ‘yung mga taong nagtiwala at nagmahal sa kanya ang naglagay sa kanya sa posisyon niya ngayon, sabi pa ni Pokwang. Kayo, mga kaparazzi, may ‘K’ na bang tawagin si Pokwang na next Ai-Ai delas Alas?
Photos by Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires
By MK Caguingin
Clickadora
Pinoy Parazzi News Service