BINURA NA NI Angelica Panganiban ang kanyang Twitter account, dahil sa mga walang pakundangang “panlalait” at “pang-iinis” sa kanya ng mga “followers” niya.
“Imagine, mare, ha? ‘Yan ngayon ang kinahuhumalingan ng mga artista. ‘Yang Twitter at Facebook account nila. Tapos, ‘pag gising mo sa umaga, excited ka pang i-check ang account mo, ‘yun ang bubulaga sa ‘yo?” Kuwento ni Pokwang.
“Grabe ang panlalait kay Angel. Tama ba ‘yon? Ano ba ‘yon? Wala bang feelings ang mga artista? Nagpapasaya lang naman kami ng mga tao, pero sila, porke hindi sila nakikita nang personal, ang lalakas ng loob manlait ng artista?”
Gumawa na raw ng bagong Twitter account si Angel, pero ilan na lang ang nakaaaalam ng kanyang account at hindi na niya in-open sa ibang mga “masasamang loob.”
NASA FACEBOOK DIN si Pokwang at meron siyang VTR interview roon (kaya ang mga ka-Facebook lang niya ang makaka-watch, otherwise ipasa sa iba). Ano’ng laman ng vtr?
Well, nagpaliwanag si Pokwang doon na kahit siya’y hindi pinalalampas ng mga panlalait sa kanyang fan page na eventually ay nalokah na lamang siya at may nag-hack, kaya nawala.
“Ayan, nagsimula na naman ako ng panibago. Pero siyempre, mare, we cannot please everybody, meron pa rin talagang mga nanlalait. Kaya ang ginagawa ko, pagkabasa ko, sinasagot ko, tapos, bina-block ko para hindi na maka-penetrate ang pot*h!”
In-explain din ni Pokwang sa VTR ‘yung hirap ng kanyang trabaho. Na ang akala ng mga tao ay ang saya-saya nila ‘pag nasa harap ng kamera, “Pero meron din po kaming sariling problema na hindi naman namin puwedeng ipahalata sa harap ng kamera, dahil kailangan naming maging professional.
“Kaya sana, du’n sa mga taong walang magawa, sana, maintindihan n’yo na tao rin kami. May damdamin din po kami na nasasaktan. Hindi po madali ang trabaho namin, tapos, hindi na nga constructive ang comments n’yo sa Facebook at sa Twitter, lalaitin n’yo pa kami, ‘wag naman po!”
Aba, kahit hindi kami nanonood ng Starstruck V ay bongga, nakanganga kami sa mga kuwentuhan. Kasi nga, hindi kami maka-relate sa pinag-uusapan.
Pero ang isa sa nakapukaw ng aming atensiyon ay itong si Enzo Pineda na kahit hindi pa namin nakikita in person ay in fairness, nakita namin sa screen, malakas ang arrive.
Kaya pala pinupukol ng kung anu-anong paninira ang 18-year old bagets na ito. Tulad na lang halimbawa na nag-uubos daw ng salapi ang daddy nitong si Eric Pineda na kanang kamay ni Manny Pacquiao.
Juice ko, ang babaw ng rason. Natural, me text votes, kaya asahan nang todo-todong suporta ang makukuha ng bagets mula sa kanyang mga magulang. Sino pa ba ang tutulungan ng ama, eh, ‘di anak, ‘di ba?
Kung mag-ubos man ng yaman ang pamilya ni Enzo para maipanalo siya, eh, pera naman nila ‘yon, hindi n’yo pera, kaya ano’ng problema n’yo? Kahit mangutang pa sila, kayo ba ang sisingilin ng inutangan? Hindi naman, ah?
Kahit ba ubusin pa ang yaman ni Manny Pacquiao, ano rin ang problema? Sino pa ba ang tutulungan ni Manny? Eh, di ‘yung Kapamilya niya, ‘di ba?
Mabuti na lang at hindi sumasagot ang bagets. Mabait na bata ito at nangangarap lang maging artista, kaya sino kayo para husgahan ang bagets.
Dahil diyan, lalo pa naming ikakampanya si Enzo sa mga readers ng Parazzi na gustong suportahan ang bagets by texting STARSTRUCK ENZO at i-send sa 2344 for Globe, TM & Sun subscribers at 367 for Smart and Talk n Text users.
O, kaya ay bumoto online at www.starstruck.tv.
Patuloy n’yo pa ring pakinggan ang “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn with Ms. F, Daddy Eric and Fwend Rommel Placenta.
Oh My G!
by Ogie Diaz