ISA SA mga nasa cast ng Of Sinners and Saints para sa Filipino New Cinema (na section ng World Premiere Film Festival ngayong June 24 to July 7 na masayang-masaya ay si Polo Ravales. First time na all-out kontrabida si Polo na tinanggap niya dahil challenging ang role.
“Excited ako nu’ng in-offer nila ‘yung role sa akin. Sobrang kontrabida na may mga tattoo at nambubugbog ng babae at kaaway ng bida. Kumbaga, ako ‘yung manggugulo sa buhay nu’ng bida at nu’ng lead actress.
“Si Direk Ruben Maria Soriquez ang director-writer-producer at lead actor namin at sinabi niya na nu’ng nakita nya ang pictures ko and saw some of my movies, sabi niya, ako na ‘yung hinahanap niya for the role. Ako naman, during that time, naghahanap rin ako ng bago. I mean, gusto kong makagawa ng malayo sa personalidad ko. Kasi, lagi na lang akong mabait, leading man or something like that na ang tingin tuloy sa akin ng mga tao, totoy pa rin ako. So, I want something na naiiba, na chalenging at ‘eto na nga ‘yun.”
Aminado si Polo na sabik na rin siyang magkaroon ng acting award.
“Oo, eh! Ang tagal ko na rin sa industriya at lahat na yata ng role eh, nagawa ko na pero wala pa ‘yun talagang matatawag na “pang-award”! Siyempre, sino ba naman ang hindi nangangarap na magkaroon ng award, hindi ba? ‘Yun ang ultimate dream ng isang artista, ‘yung ma-recognized ang pagiging actor mo. Gusto ko ‘yung talagang nanalo ako… na deserving ako du’n sa award, ha! Kasi may mga naririnig ako na… ‘wag na lang! Hahaha!” pabiting sabi ni Polo na natawa na lang.
Ang sinasabi ni Polo ay ang mga artistang nababalita na “bumibili ng award”. Anong masasabi niya du’n?
“Gusto kong manalo ng acting award, pero ‘yun nga, gusto ko ‘yung pinaghirapan ko… ‘yung deserving ako para manalo. Mas masarap ‘yung tinanggap mo ang award mo dahil nanalo ka. Na deserving ka du’n sa award. Hindi ‘yung nanalo ka dahil alam mo na… Ayoko naman na ang mga naka-display na trophy ko ay binili ko! Ang panget naman nu’n! Hahaha! “sabi pa ni Polo na natatawa.
Umaasa ba siya ng award para sa pelikulang ito?
“Mahirap magsalita, eh. Pero bonus na lang siguro ‘yun. ‘Yung mapansin nila ‘yung trabaho ko, laking pasasalamat ko na ‘yun. Pero I would say na maganda ‘yung pelikula namin at mahuhusay ang mga actors plus magaling din ang aming director. Kung susuwertihin, sobrang tuwa ko nu’n! “
May plano palang lumipat ng ABS-CBN si Polo para mahasa pa raw ang pag-arte niya. Does this mean ba na hindi “gumalaw’ ang pagigg aktor niya sa GMA 7?
“No, hindi naman. Gusto ko lang lumawak pa ang kaalaman ko as an actor. Gusto ko naman ng mas matindi pang role.. Lagi na lang kasing paulit-ulit ‘yung ginagawa k..” nasabi pa ni Polo sa amin.
RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer