Matapos lumabas ang balita sa pinakabagong gusot na kinasangkutan ni Baron Geisler, naglabas ng kanyang saloobin si Polo Ravales tungkol kay Baron at sa isang insidente may kaugnayan sa hindi magandang pagkikita nila.
Sa kanyang Facebook account, inilahad ni Polo ang pangyayari at ang ‘di niya pagpatol sa engkuwentro nila ni Baron.
Aniya, “My thoughts about baron..3 weeks ago i saw him in starbucks imperial and then when her gf told him theres polo oh..
‘Instead of saying hi to me he just gave me a bad sign. He said fu%@ you infront of my gf my brother and his wife..
“At first nagukat ako napikon and uminit ang ulo..di ko sya pinatulan kasi alam kong di sya normal..”
Iniwasan na lang umano ni Polo na patulan pa si Baron, dahil ayaw rin naman niyang siya ang masisi sa bandang huli.
“Ayoko rin naman magsisi sa huli baka di maganda ang mangyari,” sabi ni Polo Ravales.
Hiling din ni Polo na matulungan si Baron Geisler sa kung anumang pinagdaraanan nito. Mahirap na nga namang makahanap ng katapat ang kapwa aktor. Aniya, “Sana may makatulong sa kanya. Di lahat ng tao kayang magkontrol..”
“And then after 2 weeks theres this incident..” tila dismayado pang pahayag ni Polo.
Ang sinasabing insidente ni Polo ay ang gulong naganap kamakailan sa Tomato Kick bar sa T. Morato, Quezon City sangkot si Baron at ang indie film actor na si Kiko Matos na nag-viral ang video post sa social media.
Noong May 30, sa press conference ng Universal Reality Combat Championship (URCC) para sa darating nilang URCC Fight Night sa June 25 na gaganapin sa The Palace Pool Club sa Taguig City, pormal na inimbatahan ni URCC founder Alvin Aguilar sina Baron at Kiko na tapusin ang kanilang gusot sa loob ng mixed martial arts (MMA) cage.
Tinanggap ni Baron ang nasabing imbitasyon, at nagsimula na rin ito sa kanyang training, kung saan may lumabas na video online na makikitang nagsasanay siya ng Taekwondo kasama ang kapatid na si Donnie na miyembro ng Philippine Taekwondo Team na kinatawan ng bansa noong 2000 at 2004 Olympics.
By Parazzi Boy