NAKAUSAP NAMIN last Tuesday, December 4, si Polo Ravales nang ipinasyal niya kami sa loob ng kanyang restaurant na Mandarin Palace Restaurant sa may Aguirre Ave., BF Homes, Parañaque.
Bakit kaya naisip nila na isang Chinese restaurant ang bubuksan? “Well kasi ‘yung Chinese dishes, dito sa Pilipinas hindi naman siya nawala sa uso, eh. Kumbaga sa matagal na panahon partner na ng culture natin ang mga dishes nila, ‘yung mga Chinese na kultura, ‘yun naisip namin na hindi siya pagsasawaan ng mga Pilipino.”
Malaki at multi-million business ang kanilang restaurant pero kuwento ni Polo, marami siyang partners dito. “No, no, its not my solo business. Kasosyo ko rito ‘yung ibang college friends ko at ‘yung non-showbiz girlfriend ko. Yes malaki ang capital, naisip ko naman kasi na hindi ka naman forever na magiging artista, and ‘di na ako tulad na bumabata na everytime na kikita ka ng pera, dapat pag-iisipan mo kung saan mo ilalagay, eh. So, ‘yun ang feeling ko talaga na mag-invest na ngayon.”
Tatlong taon na ang relasyong Polo at Shasta Munsayac, isang flight stewardees pero ngayon ay nakatutok na rin sa kanilang negosyong restaurant.
Sa mga nakaraang relasyon ni Polo sa showbiz, nagkaroon siya ng ‘bilmoko image’. Ito ang laging isyung naririnig kapag nagkahiwalay na sila ng mga dating girlfriend. “Actually, nagkaroon ako ng issue na ganu’n before. Well ano naman eh, kumbaga kung totoo naman ‘yun, alam mo ‘yun, nakita mo naman siguro ‘yung reaction niya (current girlfriend), ganu’n talaga siguro may mga times na gagawan ka ng kuwento.”
Dagdag pa niya, “May mga times kasi na kung ano ‘yung sabihin mo, kung ano ‘yung pinapaniniwalaan ng ibang tao, ‘yun na ‘yun, ‘di ba? So, ako siguro na inisip ko na lang kung ano lang totoo, ‘yun na ‘yun. Hanggang ngayon naman may mga nagmamahal pa rin naman sa akin at nandito pa rin naman ako. So, ‘eto nga isa sa mga katunayan ‘yung mga isyu na ‘bilimoko, bilimoko’ na hindi naman totoo ‘yun.
“And kasi sa relasyon hindi naman porke’t binigyan ka ibig sabihin nagpapabili ka. Minsan hindi rin naman nila alam kung ano ‘yung naiibigay ko du’n sa karelasyon ko nu’ng time na ‘yun. Ang naririnig lang nila kung ano ‘yung binigay sa akin which is hurting for me, na kahit paano siyempre may mga ibang tao na hindi ko naman nakakausap personally, o hindi naman nila ako kilala personally. So, puwedeng paniwalalan ‘yung sinasabi nila.
“So, tingin ko naman, ano eh, nandiyan naman ‘yung Diyos para gagawan ng paraaan para malaman ng ibang tao kung ano talaga ‘yung pagkatao ko.”
SUCCESSFUL AT star-studded ang awarding ng Anak TV Seal Awars 2012 last December 4, 2012, na ginanap sa Lord’s Flock Heritage, Worship and Spiritual Center, sa Del Monte Avenue, Quezon City. Alas-nuwebe ang nakasaad sa invitation para simulan ang awarding at nagsimula naman ito sa oras. Maagang dumating ang ilan sa mga kinikilalang broadcasters sa bansa pati na ang mga nahirang na Makabata Stars mula sa iba’t ibang istasyon.
Halos lahat ng mga TV stations except RPN 9/Solar TV ang nakatanggap ng awards sa kani-kanilang TV shows na child-friendly. Kabilang sa mga istasyon ng telebisyon na nakakuha ng Anak TV Seal awards ay ang ABS-CBN, PTV, TV5, GMA, GMA News TV, IBC, NET 25, UNTV at Light 33 TV.
Pinapayagan lang magkaroon ng acceptance speech ang mga awardees sa Makabata Awards. Napili ang mga awardees sa pamamagitan ng voting mula sa mga kabataan from all over the country.
Dalawampu’t limang TV personalities ang ginawaran ng Makabata Awards pero hindi nakarating sina Ryan Agoncillo, Gerald Anderson, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, Angel Locsin, Judy Ann Santos, Coco Martin at Vic Sotto.
Si Mikee Cojuangco-Jaworski and nagsisilbing emcee ng awarding.
Sure na ‘to
By Arniel Serato