MARAMI ANG nagalit kay Polo Ravales nang maliitin niya ang call center agents sa kanyang tweet, “Nag-aral ka sa magandang school tapos ang trabaho call center? Then ang suweldo mo ganun lang. nabawi na ba ang tuition fee na gastos simula elem hanggang college? Worth it ba ang suweldo mo sa hirap at pagod mo? Or may per aka dahil sa nanay at tatay mo? Isa lang ang buhay. Sarapan mo na. join my team. Ipaparamdam ko sayo ang masarap na buhay.”
Ang hanash na iyon ni Polo ay binatikos because it’s a sweeping statement. Parang masyado naman niyang minaliit ang mga nagtatrabaho bilang call center agents, ‘no!
“This guy is so full of himself! Ano para makapag-recruit ka sa networking chorva? Tseeeee!”
“Bat mo kailangan hamakin ang mga call center agents pati na rin ang mga anak mayaman? Paki mo ba. Hindi mo naman pera yun.”
“Ano b masama s pgiging call center agent? Marangal nmn n trabaho yun. Besides hndi ganun kdali mghanap ng trabaho ngaun s panahon ngaun. So porke nkagraduate k mamimili k ng work tas mamaliitin mo ang trabahong yan? LOL. Its not being self absorbed or righteous(correct spelling) sna lng maging sensitive sya. Sige nga maliitin din ntin yung 4 year college grads tpos networking LANG kbabagsakan. Di deserve yun. LOL”.
Alarmed, agad na nag-sorry si Polo sa kanyang mga na-offend.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas