ANG TAGAL din ng bakasyon natin, ha! Ilang araw ding hindi ako umaalis ng bahay dahil tinutukan ko talaga ang lahat ng activities ni Pope Francis, dahil nakakatuwa naman talagang panoorin. Napaka-inspiring at nakikita mo talaga kung gaano kamahal natin si Papa Francesco.
Imagine, natigil nang ilang araw ang takbo ng buhay natin at nakatutok talaga tayo sa kanya.
Nu’ng napanood ko nga sa TV ang pag-alis niya, nakaramdam ako ng luwag sa dibdib dahil nairaos na rin, at ligtas siya sa kanyang pagbisita rito ng ilang araw.
Natuwa pa ako nang naikuwento sa akin ng nakatsikahan kong flight attendant na ang eroplano palang sinakyan ni Pope Francis pabalik ng Rome ay ‘yun ang eroplanong sinakyan namin nu’ng pumunta kami ng Cebu.
Bagong eroplano ‘yun at pangalawang biyahe pa lamang ‘yun nang sumakay kami pa-Cebu kasama ang anak ko, ang apo ko at mga pamangkin ko.
Tuwang-tuwa ‘yung nakatsikahan kong flight attendant na siya pa rin pala ang attendant du’n sa eroplanong ‘yun. At least, feeling ko blessed na rin ako.
Pero sa totoo lang, nakakatuwa talaga at malaking inspirasyon itong pagpunta ni Pope Francis sa atin dahil ang daming buhay ng mga kababayan natin na na-touch niya.
Maraming salamat talaga, Papa Francesco!
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis