NABABALIW KA PA rin ba sa K (Korean) Culture?
Ang mundo mo ba ay Koreanovelas at mga K-Pop groups pa rin ang hinihinga? Baliw ka pa rin ba sa Korean food at feeling mo ay Korean ka na rin?
Sa sanlaksang mga tatak Korean, isa ka marahil sa mga nabubuwang na Pinoy na mula nang mauso ang KC (Korean Culture) sa bansa, ang hilig mo marahil ay ang walang kamatayang K culture na isinusubo na sa’yo.
Kaya nga maging ang Pop Princess Sarah Geronimo ay makiki-ride-on na rin sa K Culture!
From Viva Films, ibinalita nila na gagawin ni Sarah ang Pinoy adaption ng isang Korean movie na may pamagat na “Miss Granny”.
Isang hit sa Korean film ang naturang pelikula noong 2014 kung saan ang bida na isang edad 70 years old ang karakter ay nagbabalik sa pagka-teenager(age 20 years old).
Ang naturang Korean movie ay nagkaroon na ng ng iba’t ibang version worldwide at kabilang na rito ang Chinese, Indonesia, Thai at Japanese adaption.
Pagbabalita pa ay gagawin din soon ang English at Spanish version ng pelikula.
Sa November 2017 ang target playdate ng pelikula ayon sa Viva big boss na si Vic del Rosario.
Kung walang aberya sa pelikulang Miss Granny ay dalawang movies ang aabangan ng loyal fans ni Sarah Geronimo this year. Ipapalabas na rin soon ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz under Star Cinema na pinamagatang “Finally Found Someone”, na tinatapos na rin nila.
Reyted K
By RK VillaCorta