Pormahan na!

AKALA NG TSINA ay kaya tayong sindakin ng kanilang malaking barko na ngayon ay nagsu-swimming na papunta sa karagatan ng Spratlys.

Ang tinutukoy natin, parekoy, ay ang tatlong libong toneladang Hixun-31 na may alalay pang helikopter.

P’we! Wala ‘yan!

Abangan ninyong mga Tsekwa kayo, papunta na rin d’yan sa pinag-aagawang Spratlys ang aming pinakamalaking barko!

Ang BRP Rajah Humabon! Ngayon, parekoy, ay magkakaalaman na kung uubra ba sila sa atin.

Aba eh, hindi lang pinakamalaking barkong pandigma natin ‘yang Rajah Humabon.

Kaisa-isa lang at pinakamatanda pa sa buong mundo! Hak, hak, hak!

Kumbaga sa manok, nakalalamang ang matanda, ‘ika nga, madiskarte.

Kumbaga sa tao, uugod-ugod! Ehek! Dahil usapin ito ng metal sa metal, lamang na tayo, parekoy.

Dahil hindi na natin kailangan ang maraming bala para patayin ang kalaban.

‘Wag na hindi silang madikit sa ating barko ay tiyak, mamamatay sila sa tetano ng kalawang!

Pero, dahil pormahan na rin lang, dapat ihanda na rin natin ang ating mga malalakas na kalibreng baril.

Gaya ng mga kalibre 22, 38, 357, 45, M-14, M-16 na may M203 at ang pinaka-epektibo na S26!

(Gatas na pala ‘yon, ano ba ‘yan!)

Isa lang ang mensahe natin, parekoy, alam na alam talaga natin na hindi tayo uubra sa pakikipagdigma sa Tsina, eh, bakit pa tayo aasta na akala mo talaga ay kakasa?

Una, sa dami ng mga lintek na Tsekwang ‘yan, kahit kumampi pa sa atin ang lahat ng Intsik na naririto sa ‘Pinas ay kulang pa rin tayo.

Pangalawa, kahit pahiramin pa tayo ng Tsina ng kanilang mga baril ay talo pa rin tayo.

Dahil maliban na sa wala tayong bala para sa nasabing mga baril, hindi rin natin ka-yang basahin ang instruction kung paano gamitin.

Kaya nga, sa halip na ma-kipag-pormahan sa higanteng ‘yan, madaliin na lang natin ang pagsampa ng reklamo sa United Nations para mapag-usapan ang problema sa mapayapang paraan.

Pero kung gusto talaga nating magpakitang-gilas, dapat huwag ta-yong humingi ng ayuda sa Amerika.

Bahala nang mapulbos!

INAANYAYAHAN ko po kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA KINSE TRENTA, Lunes-Biyernes, 6-7 am sa DZME o kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com o mag-e-mail sa [email protected]  o mag-text sa 09152121303.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleReklamo sa police clearance sa Cavite
Next articleAkala ko kasi…

No posts to display