NAINTRIGA, NAPALUHA AT NAPAIYAK, habang umaawit ng tibay ng loob sa nakawiwindang na mga intriga hindi lamang sa labas ng mga sumusubaybay, kundi sa loob pa ng puso ni Charice Pempengco. Tila may kurot ng paghinanakit sa kanya, bagama’t hindi tuluyang inaamin. Ngunit sa aking palagay, masakit sa kanya ang mapasok sa magulong intriga ng showbiz at mula rin sa loob ng kanyang pamilya.
Ayon sa lola ni Charice, napababayaan na raw nilang mag-ina ito. Sa pahayag naman ni Charice, sana raw ay maging maingat ang kangyang lola sa mga pahayag nito, lalo’t makasisira sa kanilang pamilya ang intriga at sa kanyang career, bilang best musical performer, ayon na nga rin sa Oprah Winfrey Show.
Ayon sa singer, hindi naman siya dapat na magalit at wala naman siyang dapat sabihin. Idinagdag pa ni Charice na ‘pag nagkikita naman sila ng kanilang mga kaanak at ng lola niya, ayos naman silang lahat. Ngunit sadyang may pakpak ang balita at may tainga ang lupa, kaya’t mahahalungkat ang kanyang pribadong buhay.
ANG ISYU
Paano kaya maipaliliwanag ni Charice na ayon sa kanyang lola ay iniwan nila ito sa hospital nang maysakit at hindi binayaran ang bill nito. At ayon kay Charice, kanyang nabalitaan ang tunay na pangyayari sa gulong ito ng kanyang pamilya.
Sana, maging maingat daw ang kanyang lola sa mga sinasabi, dahil nand’yan naman sila ng kanyang ina at hindi naman sila nagpapabaya. Sa katunayan, nagpatayo pa ito ng apartment na bagama’t nasa pangalan ni Charice, may isang pinto naman ang kanyang Lola.
Naks! Napaka-lola nga naman, selosa. Baka akala, eh, mababale-wala na siya kung maraming nakapaikot sa career ng kanyang apo na si Charice.
Dugtong ni Charice na walang pupuntahan ang mga intrigang bumabalot sa kanilang pamilya, kundi paghandaan pa ang mga susunod nito. At kung hindi maging maingat, tiyak na ito pa ang sisira sa kanyang pangalan.
Ay, oo nga naman! Anyway, tulad ng sinasabi ko, good or bad publicity, ang effect nito ay pinag-uusapan.
TIBAY NG LOOB
Ayon kay Charice, ang sandata na lamang ng kanyang ina ay nandu’n naman sila ng kapatid niyang si Carl na umaalalay sa kanya. Oo nga naman, walang iwanan, ah! At kuwidaw, huh! Ang Mommy rin nito ang nagpapalakas ng kanyang loob sa mga auditon na kanyang sinasalihan dati at pinaalalahanan ng awiting ng “Tibay ng loob, basta maghintay ka lamang…”
PALIWANAG NG MOMMY NI CHARIcE
Maestro: Mommy, sa lakas ng issue ngayon, ano ang nagpapalubag ng iyong loob? Ano ang nagpapasaya sa ‘yo? Mommy: Ako, hindi ko na iniintindi ang issue na ito. Ang ipinagpapasalamat ko, nand’yan lang ang mga anak ko, laging sumusuporta sa akin despite sa mga problema na lahat ibinabato sa akin.
Maestro: Paano ka bilang isang anak, kapatid at ina?
Mommy: Bilang isang anak, ginagawa ko ang tungkulin ko sa kanila. Bilang isang kapatid, sila ang makapagsasabi niyon, siguro matitiis nila ako, pero sila, hindi ko matitiis. Sa mga anak ko, nandito ako para sa kanila.
Maestro: Ano pa ang kulang sa ‘yo sa tingin mo?
Mommy: Sa tingin ko… peace of mind.
Maestro: Sa tingin mo, anong klaseng lalaki ang magpapatibok ng puso mo?
Mommy: Sa tingin ko, hindi na tumitibok ang puso ko. Hindi ko pa naiisip ‘yon ngayon, dahil masaya naman ang buhay ko ngayon kaya hindi ko pa naiisip.
Bagay na na-tsismis daw sa driver, na pinabulaanan naman ito ng ina ni Charise. Kabigan lang daw nila ito. Nakapagpundar na pala ng tatalong sasakyan si Charice.
Maestro: Hindi habang panahon na andiyan ang anak mo. Ano ang business na naiisip mo ngayon?
Mommy: Ah, sa ngayon, apartment, kasi paalis- alis kami. Wala man kami, ihulog lang nila sa bangko sa account namin ang renta, okey na.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia