NAKAKAPANGHINAYANG na after almost a year of preparation para sa engrande nilang Christian Wedding as scheduled today, March 14 ay naunsyami ang pangarap nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na humarap sa mga invited guests at sa ministro nila para sa kanilang pagiisang dibdib.
Touching ang mensahe ng dalawa sa kanilang social media accounts na nagpapaliwanag sa dahilan ng postponement ng kasal nila.
I pity Sarah na after all the preparation para sa bonggang kaganapan sana nila today (kasalan), ay naunsyami ito dahil sa COVID-19 na napakalaking abala para sa lahat.
Sa postponement ng wedding nila, paano kaya ang mga naibayad na nila sa hotel reception, florist, venue design and decoration, etc? May full refund kaya or partial refund man lang sila makukuha?
Sa bonggang kasal, ilang milyon din kaya ang inilabas ng dalawa na based sa kuwento ng ilang mga taong involved sa preparasyon, humigit na 2.5 million diumano ang cost ng naturang kasalan.
I just don’t know kung ang mga kaibigang personal ng dalawa na galing sa ibang bansa na invited ay sila ang sumagot ng airfare at hotel accommodations?
If ever na walang refund (like food sa reception); pwede kaya mag-suggest sa dalawa na kung maaari nila i-donate sa mga orphanage or home for the elders ang mga pagkain na inihanda na hindi makakain para mapakinabangan?