HINDI ako pamilyar kay Devon Seron. Ang alam ko lang ay kasabayan niya si James Reid sa Pinoy Big Brother Teen Edition 3 at isa rin siya sa mga teen stars ng ABS-CBN na nangangarap na mabigyan ng big break.
Aware rin ako na nagbida siya sa horror film ng Regal Films na Pwera Usog, pero hindi ko ito napanood.
Kagabi ay naisipan ko lang na panoorin ang “You With Me”, isang Korean-Filipino film na pinagbibidahan ni Devon Seron ar Korean actors na sina Hyun Woo at Jin Ju-Hyung. Ang kaibigan ko na kinain na ng sistema (or KDrama addict) at isang blogger friend ang nagsabi na light romance ang pelikula na pampatanggal ng stress.
I wasn’t expecting anything and the trailer didn’t catch my attention, pero sige – game!
Natuwa ako sa kalidad ng pelikula. Nagtagumpay ang direktor at producers nito na bigyan ng ‘Korean and Filipino feel’ ang mga shots nila. Surprisingly, may appeal ang dalawang leading men ni Devon na nagawang magpakilig ng mga viewers. Ang isa nga na kasabayan kong manood ay feel na feel na para bang siya ang bida, huh! Siguro ay English teacher din ito ng Koreanong ka-movie date niya. (Tsinismis talaga? Ha-ha-ha!)
As for Devon, I wasn’t expecting much about her acting dahil hindi ko pa siya napapanood sa teleserye sa Dos. She reminds me of Erich Gonzales noong nag-uumpisa na itong mapansin ng Kapamilya network dati. She got what it takes to make it big sa biz, kailangan lang ng constant push at bigger projects.
Even Jon Lucas of Hashtags ay may short exposure sa movie, pero litaw din ang chemistry nila ni Devon. Loveteam ba talaga sila sa Dos? Baka sila na ang dapat na sugalan din ng network.
As expected, Tonton Gutierrez and Assunta de Rossi delivered their roles well.
Hindi na ako maglalagay pa ng spoilers dito, pero tuwang tuwa din ako sa mga outfits ni Devon sa pelikula at talagang lumabas ang kanyang leading lady potential. Kahit nga ang paiba-ibang shades ng lipstick niya ay napansin ko. Hindi ba halata na super impressed ako?
This may not be the perfect movie, but it deserves more viewers lalo na para sa mga gustong mag-time out muna sa stressful ganaps sa life.
Palabas na sa mga sinehan nationwide ang “You With Me”. Sana ay magtuloy-tuloy ang pag-produce nila ng ganitong klaseng pelikula na chill at kilig lang.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club