MAGKITA KAYA ang dating mag-best friend na sina Mo Twister at KC Montero sa Manny Pacquiao-Juan Manuel fight?
We’re asking this dahil sinabi ni Mo sa kanyang Twitter account na he’s looking forward to watching the fight live.
“Excited to see
another Pacquiao fight live. and the Pacquiao/Marquez ones are my favorite!” tweet ng controversial host.
When somebody posted this message, “Hmmmm @djmotwister and @KCMontero both headin to Vegas.. Lols”, Mo quickly made a patutsada.
“@thisguynathan @bongpolig he’s a Manny hawi boy. and of course that’s better than me since i have to pay for my seat,” may sarcasm na sabi ni Mo.
HINDI PA rin pala natatapos ang pagtataray ni Shalala.
Ang akala namin ay nagbago na siya pero tila lumobo na talaga ang ulo niya at ang feeling niya ay super sikat siya and he can’t get away with anything and everything.
Nakarating sa amin ang pagmamaldita raw ni Shalala sa isang make-up artist sa isang event.
Nagsabi raw ang Shalala na unahin siya na pagandahin ng make-up artist. Out of curiosity ay tinanong siya ng artist kung sino siya.
Pasigaw raw na sinabi ni Shalala na “hindi mo ako kilala?”
With humility ay sinabi naman ng kausap niyang hindi nga niya ito kilala, bagay na nagpainit ng ulo sa TV host. Sabi pa raw niya sa pobreng make-up artist, puwede niya itong ipatanggal sa trabaho dahil powerful siya.
Gano’n? True ba ito, Shalala?
DIRECTOR RUEL Bayani displayed an abundance of confidence when he declared, without batting an eyelash, ha, that Angel Locsin and Angelica Panganiban stand a chance to win in the forthcoming Metro Manila Film Festival kahit na si Nora Aunor pa ang kalaban.
“Siyempre ang mga tao sasabihin, si Ate Guy ‘yun at wala namang laban ‘yung dalawang bata. Pero hindi ganoon ang buhay. Ang buhay paggising mo may laban ka,” buong ningning na sinabi ni Bayani sa press conference ng One More Try.
This early ay marami ang nagpre-predict that Nora will win the best actress trophy sa kanyang pagganap sa Thy Womb na dinirek ni Brillante Mendoza at no match kung sino man ang makakalaban nito.
But Ruel persisted in his belief na may chance na manalo ang dalawa niyang bida kahit na “alam naman namin na magaling si Ate Guy.”
“Kaya sabi ko, ‘Lahat na gawin n’yo. Hindi naman maghuhubad si Ate Guy sa pelikula. Sa sampalan, walang sampalan doon. Itodo n’yo na, kabugan, sapakan’. Pero dahil sobrang professional nu’ng dalawa, paki-quote n’yo ako, ‘Yes, may laban si Angel at Angelica for best actress,” walang kagatul-gatol na sabi ni Direk Ruel.
How’s that for confidence?
Tila sinakyan naman ni Angelica ang kumpiyansang ipinakita ng kanyang director.
“Yes, may laban kami. Naniniwala kami na may himala,” sabi niya.
“Siyempre kahit papaano (ay) umaasa kami na sana ma-appreciate but hindi naman natin maitatanggi ‘yung galing ni Ate Guy. Siyempre, si Ate Guy po ‘yon, nirerespeto po nating lahat ‘yung galing niya pero hindi namin mamaliitin ‘yung effort na pinakita namin sa pelikulang ito. Si Angelica, masasabi kong napakagaling niya sa pelikulang ito. Ako hindi naman po ako nagpatalo. Pero ang masasabi ko po talaga na itong Metro Manila Film Fest ay marami po talagang mabibigat na pangalan,” sabi naman ni Angel.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas