MAY BAGONG grupong ginu-groom ngayon ang Viva Artists Agency (VAA). Isa itong all-female group na tinawag na Ppop Generation na binubuo ng 45 members.
Nagpa-sample ng kanilang performance ang Ppop Generation sa kanilang musical show billed as Ppop Generation: Boom Ganda noong Jan. 8, 2019 sa Teatrino in Greenhills, San Juan, na dinaluhan ng fans and supporters na karamihan ay mga kabataan.
In fairness, ang gagaling sumayaw at kumanta ng Ppop Generation. Lahat din sila ay pretty. K-pop na K-pop ang dating nila kaya super love sila ng young audience, huh!
Bago napabilang sa Ppop Generation ay sumailalim muna ang mga kabataang babae sa intensive training under veteran choreographer Geleen Eugenio and voice coaches Sushi Reyes and Zeb Zuñiga.
Hindi na rin nakapagtataka na from the group ay merong lulultang na panibagong big stars ng Viva na tulad nina Sarah Geronimo, Yassi Pressman, Ella Cruz at iba pa.
Magandang balita naman para sa gustong mapanood ang Ppop Generation dahil magpe-perform ang grupo every Tuesday to Saturday at 6 p.m. and 8 p.m. sa buong taon ng 2019. Huling performance nila for this year will be on Dec. 28.
Tickets for PPop Generation: Boom Ganda! shows are now available via Ticketworld and at sa TeatrinoPh. For ticket inquiries call tumawag lang sa Ticket World: 891-9999 at sa Teatrino: 721-2949.
La Boka
by Leo Bukas