MUKHANG NAGHAHANDA NA sa kanilang 2012 wedding ang very sweet couple na sina Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz na sabay na dumadalo sa cooking lessons.
Tsika nga namin kay Marco nang makadaupang-palad namin sa PEPS Salon, paghahanda ba ito sa kanilang pag-iisang dibdib? Natawa na lang si Marco, sabay sabing, “Hindi naman, gusto lang talaga naming matutong magluto. Iba kasi ‘pag marunong ka ring magluto, ‘di ba? Tsaka marami-rami na rin akong natutunan sa pagluluto at ganu’n din si Lara.”
Sa ngayon daw ay pinag-uusapan na nila ni Lara ang lahat ng detalye sa kanilang kasal next year, at kapag ayos na raw ang lahat, tsaka nila ipaaalam sa kanilang mga tagahanga.
And speaking of Lara, kabilang ito ngayong linggo sa magpapakitang-gilas sa isang napaka-challenging na dance number na paniguradong makapagpapamangha sa mga manonood. Tutukan ang Talentadong Pinoy tuwing Sabado at Linggo, 8:30 ng gabi sa TV5.
WAGI BILANG BEST Actor sa 27th PMPC Star Awards for Movies ang magaling na aktor na si Coco Martin para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Noy, at sa dami ng awards na natanggap nito, hindi pa rin daw nawawala sa kanya ang kaba everytime na tatawagin ang kanyang pa-ngalan bilang winner.
Ayon kay Coco nang makausap namin after the awards night sa backstage, hindi pa rin daw siya sana’y umakyat ng stage bilang winner at lagi pa ring kinakabog ang dibdib, nang biruin namin kung sanay na ba siya at hindi na dinadalaw ng kaba everytime na mananalo sa mga awards night na kanyang dinadaluhan, kung saan siya nominado at suwerteng naiuuwi ang tropeo.
At kahit nga sikat na sikat na si Coco, sobrang bait pa rin nito at nakatapak ang paa sa lupa. At hindi mo ito kakikitaan ng pagbabago ng ugali, ‘di tulad ng ibang artista na sumikat lang ng konti, sabay na ring nagbago ang ugali at yumabang. Kaya naman patuloy pa rin ang pagbuhos ng blessings kay Coco, mapa-telebisyon, pelikula at endorsements.
NALULUNGKOT SI BEA Binene, ang isa sa busiest star ng GMA-7 at napapanood sa Tween Hearts at Captain Barbell, at may bagong pelikula sa GMA Films, ang Tween Hearts the Movie, Clash of 2012.
Hindi na raw kasi nito mas-yadong nagagawa ang kanyang pagkahilig sa sports like Wu Shu, dahil na rin sa sobrang hectic ng kanyang schedules. Almost everyday kasi ay may taping, shooting, guesting, at mall shows ang mabait at masipag na young star.
Pero nangako ito sa kanyang sarili na kapag nakaluwag-luwag ang kanyang schedule, kaagad siyang magti-training ulit sa Wu Shu, para na rin pag-hahanda sa kanyang pagsali sa mga international Wu Shu competitions.
John’s Point
by John Fontanilla