GRABE RAW ANG mga ipinapadalang hate text messages nitong si Arnold Vegafria kay Precious Lara Quigaman. Sa mga lumalabas na chika, ang nabanggit na manager ng sinasabing boyfriend ni Lara ngayon na si Marco Alcaraz, ay daig pa ang isang woman scorned, ‘ika nga, na ang galit ay talagang bumubuga.
Nakakuwentuhan ng isang grupo ng reporters si Lara sa backstage ng Paparazzi, ang bagong kinababaliwang Sunday showbiz talkshow ng TV5 at inamin nitong nagpapadala nga raw ng kung anu-anong messages si Arnold sa kanya na hindi na lang niya pinapansin. Dinededma rin daw niya ang mali-maling English ni Arnold sa kanyang text messages diumano.
Sa madaling salita, larawan ng isang masayang babae si Lara. Inamin niya ang relasyon nila ni Marco na nagsimula noong mga araw na natsitsismis na sila. Walang balak ang dalawa na i-deny ito. Marami raw pagkakahalintulad sa kanya-kanyang paniniwala sina Lara at Marco kaya sila’y nagkakasundo.
Obviously, kaya raw nagkakaganoon si Arnold ay sa dahilang para raw itong batang inagawan ng laruan o kendi. Naitanong ng isang reporter kay Lara kung mahalaga ba kay Lara ang nakaraan ni Marco? Natawa lang si Lara, “Anuman ang nakaraan niya, nakaraan na niya ‘yun. ‘Yung ngayon at ang future ang pag-usapan natin. At saka tanggap naman niya ang dating pagiging sexy dancer ko.”
Of course, nagbibiro lang naman si Lara. Isa siyang verdaderang beauty queen – kinoronahang Miss International, huh! Hindi naman daw siya tumitingin lang sa kaguwapuhan ng isang lalaki. Sa totoo lang, masuwerte rin itong si Marco. Kasi, walang halong kaechusahan, nababaitan kami rito. Nanghihinayang lang kami na dahil lang sa pag-ibig ay tila binitiwan na ito ng dating manager at nasira ang kanilang business relationship.
Oh, well…
IN FAIRNESS SA PO5, ang Sunday noontime show ng TV5, natagalan namin ang panonood nito, huh! First time naming pinanood ito noong Sunday at maayos naman pala. Ang sabi kasi sa amin, ang hilatsa nito ay parang Eat Bulaga at Wowowee, pero mas natututukan ang direksiyon nito.
Magandang alternatibo ang PO5, lalo na roon sa mga nagsasawa na sa pare-parehong napapanood tuwing Linggo. Pinasadahan nga namin ang Party Pilipinas ng GMA-7. Naku, wala namang pagbabago! May effort na gawing fast-paced, but still pales in comparison with ASAP XV. Kahit pinirata na nila sina Rachelle Ann Go at Mark Bautista.
Ang sa ASAP XV naman ng ABS-CBN, the same old banana! May birthday-birthday, tribute-tribute. Pero, sa kalidad, palagay namin, bongga pa rin itong sa Dos kung ikukumpara sa mga show ng Siete at Singko. Ang sa amin lang, para matagalan namin ang PO5, it’s already something.
Nakaaaliw kasi ang attempts ng PO5 para mapaiba.
Calm Ever
Archie de Calma